9.26.2007

Ambulance Service Experience

September 22, 2007, 11am, nasa Safety Services office na ako, nag-aantay mag-1:30pm kasi may ambulance service kami sa ATC. Wala naman masyado ako ginawa sa Red Cross, natulog lang ako, at nag-lunch. After lunch, may ilang minutes pa kami ng kasama ko para umidlip, pero di rin ako nakatulog kasi may labas-pasok sa quarters. Habang nakahiga ako sa kama, pumasok ang isang volunteer, I don't know his name eh, tinanong kami nung kasama ko kung sino ang kasama sa ambulance service, sabi naming dalawa kami yun. So inutusan nya kami na maghanap ng radio sa DMS. Before mag-1:30pm umakyat na kami sa DMS para humiram ng radio, pero walang tao so sa ERU kami humiram. Nung ok na lahat ng kailangan, bumaba na kami sa parking. Habang papunta kami, etong kasama ko niloloko ako, first time ko kasi mag-ambulance service and first time ko din sasakay sa ambulance. Niloko pa nga ako na magpapa-picture pa daw ako sa ambulance (actually gusto ko nga eh, naunahan lang ako, nahiya na tuloy ako! hehe). Apat lang kami sa ambulance service nung time na yun, the driver and 3 first aiders 1 of them is the team leader. Habang nasa ambulance kami papuntang ATC, puro kalokohan kaming dalawa nung kasama ko sa likod. Pagdating namin sa ATC, nagsuot kami agad ng vest at nilabas lahat ng gamit na kailangan, tapos brisk walk talaga kami papuntang command post sa activity center. Nung nasa command post na kami, wala lang, naka-upo lang kami nag-aantay mag-start yung activity. Since ako lang ang girl sa grupo, wala na akong ibang magawa kundi tingnan na lang ang 3 guys na kasama ko habang nag-se-survey the scene sa ATC (girl hunting). Nung matapos na sila sa survey the scene nila, tumabi sa akin si Mr. Team Leader (Mr. TL). binigay nya sa amin ang mga task namin just in case something worst happened. Pumunta din nung time na yun ang kapatid ko, savior nga namin yun, kasi nakalimutan namin ang pen sa ambulance, pati nga yung chart naiwan din, so humiram ako... hehe... Yun nga lang na-holdap ako, hiningian ba naman ako ng pera... Nung umalis na kapatid ko, ayun tahimik na uli ako, tapos kinausap uli ako ni Mr. TL, kwentuhan lang kaming dalawa, tinanong pa nga nya ako kung bakit ako nag-volunteer sa SS, kasi nag-re-report "daw" sya kay manager... hehe... In fairness, ok sya ka-kwentuhan, nakakarelate kami sa isa't isa kasi pareho kaming nurse, magkaiba nga lang kami ng school at batch pero same year kami nag-take ng board. Nagkwento pa sya sa akin about sa experiences nya sa ERU, sabi nya sa akin sana daw ma-experience ko daw yung na-experience nya na nag-transfer daw sila ng patient from hospital to another hospital, unstable pa yung condition, as in TOXIC daw talaga! Kung anu-ano talaga ang pinag-usapan namin, kahit IVT pinag-usapan namin, gusto nga ata mag-training ng IV sa hospital namin eh, nalaman nya kasi na mag-te-training ako sa October sa Perps kaya lang hindi sya pwede sa October so gusto nya malaman kung may sched sa November, sabi ko sa kanya kung merong sched sasabihin ko. Natapos lang yung kwentuhan namin nung nag-start na yung activity... Kaloka nga lang yung activity na yun, cheering competition kasi sya, 3 schools lang ang naglaban! kaloka talaga! After ng competition, nag-pack-up na kami pero binigyan muna kami nung events organizer ng food, sa ambulance na lang namin kinain yung food, habang kumakain, survey the scene uli yung mga guys, ako wala naman ma-survey... Pagtapos namin kumain, umalis na kami, nag-pababa nalang ako sa main road at sumakay ng jeep pauwi...

9.19.2007

PRC verification day!

Last Septemeber 14, 2007 nagpunta ako sa PRC kasama ang mga kaibigan ko, kinuha namin yung board rating namin, pero before kami dumiretso sa PRC, dumaan muna kami sa school para ayusin yung mga requirements. Pagdating ko sa school nagulat ako kasi kasama pala namin pupunta sa PRC si lihim na pag-ibig. Syempre ako naman sobrang tuwa pero di ko naman pinahalata sa kanila lalo na sa kanya! Ang tagal din namin hindi nagkita! After namin maayos lahat ng requirements, nag-pasa muna kami ng resume sa hospital and kumain ng lunch tapos dumiretso na sa PRC. Nakakatuwa yung byahe namin papunta sa PRC, ang kukulit namin, pagbaba namin ng bus sa Buendia, nag-LRT kami. Laking tuwa namin na maluwag yung dumating na LRT, yun naman pala eh wala syang aircon, eh di baba kami sa next station, yung sumunod na train aircon nga, grabe naman! Amoy ewan sa loob! Nakakasuffocate! Pero nung time na yun, gustung-gusto ko yakapin si lihim na pag-ibig! Sa sobrang siksikan sa LRT dikit na dikit na kasi kami sa isa't isa! Raaaah! (Kinikilig ako! hehe...) Pagdating namin sa PRC nagkita-kita kami ng iba naming mga classmates, tapos kinuha na muna namin yung board rating. Well, yung rating ko eh ok naman... hehe... Pagtapos namin maayos lahat ng kailangan sa PRC umalis na kami at dumiretso sa MoA nag-dinner muna tapos umuwi na din kami. Sa van naman pauwi magkatabi na naman uli kami ni pag-ibig! Ang saya talaga ng araw ko!

9.01.2007

Once in a lifetime experience...

Last August 29, 30, & 31, 2007, nag-training ako sa Philippine National Red Cross - NHQ ng Rope Rescue Technician (RRT) Level 1. Di naman masyado mahirap ang training... Nag-rappel lang naman kami sa building ng Red Cross... First day namin, nag-lecture muna kami about sa concepts ng RRT and nag-try kami mag-rappell sa hagdan muna, medyo ok pa, kasi slanting lang kasi sya, pero the second day, raaah! This is it na! Morning pa lang nag-set up na sila, so habang nag-se-set up sila ng jump area, tinuloy namin ang lecture and then after lunch time, nag-jump na kami. Una namin ginawa ang ascending, at talaga naman, naubos ang energy ko, pero after namin sa ascending, umakyat na kami sa 3rd floor, para sa descending na. Grabe, sarap ng feeling na nakabitin ka! Woohoo! ibang level ang saya namin nun! Nagpakasawa kami sa kakarappell! Nung last day namin, kami na ang nag-set up ng jump area, at ang usapan namin, kung sino ang nag-set up ng jump area sya ang mag-te-test jump! Sa group ko, ako ang nag-test jump! Ang lakas ng loob ng lola mo!!! Hahaha! Buti na lang, tama ang pagkaka-anchor namin sa mga ropes! Syempre this time nagpakasawa na naman kami sa pagrappell, tapos after ng lunch, nag-exam naman kami sa tie knotting, kaloka talaga yun! Time pressure talaga! Tapos after ng exam, ang ginawa na namin yung may victim na kami! Raah! Ang hirap pero masarap ang feeling! I hope makapasa ako dun! hehe... I'll do it over and over! Raaaah!