11.12.2007
Anilao, Batangas Outing
Last Nov. 10-11, 2007 sumama ako sa outing ng mga staff at volunteer ng Red Cross. Actually may water safety training dun for CSR nung friday palang sinama lang ang volunteers para makapag-outing na din... First outing ko yun kasama sila kaya naman super excited ako! 1pm ng saturday dapat ang alis namin kaya naman before 12 andun na ako sa office (haha! excited!!!), pero nag-antay ako at yung iba until 5pm kasi wala pa yung sasakyan namin. Nung dumating yung sasakyan, ay naku hindi ko alam kung pano kami nagkasya dun! Ang capacity lang ng sasakyan namin is 10 pero 12 kami lahat na sumakay dun! Grabe! Sardinas kami! hehe... Habang nasa byahe, nagkwentuhan kami ng mga ghost stories, sakto naman na walang kailaw-ilaw talaga sa daan, kaya naman ang lola nyo, grabe ang imagination! haha! Takutan ever! Dumating kami sa resort around quarter to 10pm na, pero ang taas pa ng energy ng lahat! Pagdating namin dun syempre kain talaga ang ginawa namin, tapos inuman session habang naliligo sa beach! Night swimming! Grabe ang girls lakas uminom ang mga boys that time tulog na! haha! Galing naman kasi sila sa training nung umaga... given na pagod yung mga yun at may training uli sa morning! Hanggang madaling araw kami naliligo pero isang bote lang ang nainom ko, pagod kasi ako nun, madali na ako tamaan! More more tawanan kami dun, lumabas ang mga tunay na kulay nung mga lasing! Yung mga natutulog that time nagising dahil sa tawanan nila. More bloopers pa! Ang kukulit talaga! 3am nagpalit na kami nung tropa ko at natulog na pero dinig ko pa din yung mga tawanan nila, 4am na daw natapos yung mga yun sa session nila. Paggising namin nung tropa ko, nag-kwentuhan lang kami habang naka-upo sa papag, nakakatawa pa dun, bigla ba naman inatake ng pulikat, ako naman that time wala pa sa ulirat ang bagal ko magrespond sa kanya, tapos wala pa ako pwersa para ideretso yung paa nya, kaya tuloy nung nawala na yung sakit, wala na kami nagawa kundi magtawanan na lang.. After nun, kumain na kaming dalawa ng almusal, tapos naglakad-lakad kami sa tabi ng dagat. Nung gising na ang lahat, ang una nilang hinanap nung iba eh yung mga babaeng tumador! haha! kakatawa talaga, eh nung time na yun wala pa kahit isa sa kanila ang gising, kaya naman yung isa naming staff napagtripan na pumunta sa kwarto nila at binulabog sila dun. Mga bangag talaga! After mag-almusal ng lahat nag-start na uli yung training ng mga CSR for rubber boat handling, grabe naman na training yun toxic, pero nung natapos na yung training kaming mga volunteers pinasakay sa boat at nag-tour sa island! hehe... saya! After ng tour namin, nagbanlaw na ako, at tumambay na lang kasama yung tropa ko... Tapos after lunch nagpack-up na at umuwi na...
Subscribe to:
Posts (Atom)