5.24.2008
McDonalds Kiddie Crewlympics Experience
After ilang months, ngayon na lang uli ako nakapag-ambulance service. Na-assign ako sa Starcity for the McDonalds Kiddie Crewlympics, at sa first team ako kasama. 8am ang call time namin sa Starcity, so around 7am nasa Red Cross na ako. Before 8am, umalis na kami ng teammates ko sa Red Cross at on-time naman kami dumating. Pagdating namin dun, wala lang, umupo lang kami saglit, kwentuhan ng konti bago kumain ng breakfast. Sakto talaga yung breakfast namin, kasi naman ala me kinain bago ako umalis sa bahay. Hindi pa nagtatagal yung stay namin sa station, ayan may patient na agad, pero BP take-up lang naman yun. Nung nag-start na yung event, ayun medyo dumami yung mga naging patient namin, karamihan mga kids na nasugatan o nahihilo, isama mo na dyan ang mga mommy ng mga kids na masasakit ang ulo. Mainit naman kasi ang panahon kaya madami kaming patients... Kahit maiinit ang panahon kanina ok lang sa akin, dahil super increase talaga ang fluid intake ko! More juice and water kami sa station! Haha! Lalo na yung Aero Med na kasama namin, super dami nilang juice! Isang plastic na nga ata yung naipon nila eh... hehe... Infairness, cute yung isa sa kanila huh! raaaah! After lunchtime, nag-change station na kami nung ibang teams. Every 2 hours ang rotation namin, so habang nag-aantay kami mag-rotate wala lang kami sa station, lamon, kwentuhan, roving ang isa sa amin, text ng text, assist sa mga patients na kelangan ng first aid (natural! kaya nga kami andun eh.. hehe). Nung last rotation ng team 1 which is kami yun, bago kami bumalik sa original station namin sa labas ng starcity, aba, na-toxic pa kami sa isang patient. Nahihilo kasi sya, so advice namin sa kanya, mag-rest muna, tapos nung medyo naging ok na sya, umalis na sila, tapos maya-maya dumating sa station yung kasama nya, humihingi ng plastic, nasusuka daw kasi sya, so ako naman, pumunta dun sa patient, so advice ko eh, i-check yung BP nya, pero yung kasama ko na ang kumuha ng BP at pinag-bantay ako ng station. Nakita ko din from the station na mukang toxic kami sa patient na yun, kasi pati yung mga taga-aero med pumunta dun. haaaay! Buti na lang naging ok na sya... Wish ko lang itigil na nya ang pagsakay sa rides kung di nya kaya! Pagbalik namin sa station sa labas ng starcity, ayun, petiks na lang kami, tapos na kasi yung event, pero need pa namin mag-stay for 1 hour, so kwentuhan na lang kami dun kasama yung mga taga-Aero Med, habang nakain ng popcorn! Natuwa naman ako kay "Aero Med Guy", bait nya kasi, tsaka sarap din kakwentuhan, tsaka maloko din! hehe.. Natuwa ako sa kanya nung tumawa sya dahil sa sinabi ko... May food kasi kami dun na dadalhin sa Red Cross, eh may mga pulubi doon, so worried kami na baka kami habulin pag labas namin sa barricade, so nung nagtanong yung kasama ko na ano ang gagawin namin just in case na habulin kami, ang nasabi ko na lang, "eh di takbo". Lakas talaga ng tawa ni "aero med guy" nung sinabi ko yun! Tapos nun, ayun balik na kami sa Red Cross, at buti na lang hindi kami hinabol...
Subscribe to:
Posts (Atom)