12.28.2007

Love this song!!!

ONLY FOR YOU by Six Part Invention

I, I have been waitin’ all my life

For someone like you
You, you make me feel like I knew
All because of you

REFRAIN
Gotta make this right now, baby
I come and get into your life now, baby

CHORUS
I can be all you want me to be
When everything’s fallin’, I’ll still be here
If your feelin’ is fadin’, I’ll still be waitin’ for you
Only for you

INTERLUDE

Now, now is the right time to say
The things left unsaid
We, we can make this work for love
All because of love

[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS]

AD LIB

REFRAIN
I gotta make this right now, baby
I come and get into your life now, baby

[Repeat CHORUS]

Woh woh wohh

Nung first time ko marinig ang song na ito, sobrang nagustuhan ko sya agad. Nakaka-inlove!!!

What a year!!!

Ilang araw na lang bagong taon na naman!!! Parang kailan lang pumasok ang taong 2007 ngayon matatapos na sya!!! Haaaay! Ang bilis ng panahon! Madami din ang nangyari sa akin sa taong ito, parang roller coaster ang life ko!!!

Nung pumasok ang year 2007, toxic na ako sa school, una 50-50 chances ang maka-graduate dahil kulang pa sa OR-DR cases, windang na ako nun kung saan ako magco-complete ng cases, tapos nagre-review pa para sa Nursing board exam, pero sa awa ng diyos na-complete ko ang cases at naka-graduate naman ako nung April 2007. After graduation ang sumunod na problema eh kung makakapag-board exam ba sa June. Pahirapan naman sa pagpapa-pirma ng cases!!! Pero umabot naman kami sa deadline...

Hinding-hindi ko din makakalimutan ang mga masasayang moments ko kasama ang mga kaibigan at classmates ko. Naging very memorable ang year 2007 ko dahil sa kanila, kahit medyo toxic na kami sa school works, nakuha pa namin magsaya, andyan ang mga gala namin na naisi-singit pa namin sa hectic na sched namin, at ang mga kalokohan na talaga namang nagpa-windang sa mga clinical instructors namin, pero kahit puro kalokohan ang BSN 4Y, may masasabi naman... Isa pang bagay ang nagpa-windang sa life ko! Yun ay nung ma-inlove ako sa friend ko! I won't mention his name na lang, kasi until now di ko pa inaamin sa kanya... Haaaaay!!!

Isa sa malaking challenge sa akin ngayong taon na ito ay nung nag-take na ako ng board exam. Nung nagre-review pa ako, feeling ko talaga wala akong confidence na mag-take, feeling ko babagsak lang ako, pero dahil sa support ng family and friends ko at syempre tiwala kay God, nag-take na ako. After nung 2 days na exam namin ang laking relief para sa akin, pero syempre di pa nawawala yung kaba, dahil ang aantayin naman ay yung result. Pero the day after nung exam, may iba akong pinagkaabalahan... Nag-training ako ng standard first aid and basic life support-cpr sa red cross. Sa school sya ginawa pero ang mga trainors namin ay galing sa PNRC-NHQ. Pansamantala kong nalimutan yung kaba ko about sa exam, at nag-enjoy naman talaga ako ng todo sa training! After nung training namin, habang inaantay yung result ng exam, nag-volunteer naman ako sa PNRC-NHQ. Sobrang nag-enjoy talaga ako as a volunteer dun, ang dami ko na naging kaibigan at madami na din ako experiences... Nung lumabas ang result ng board exam namin, laking kaba ko talaga, pero salamat sa diyos at isa ako sa naka-pasa. Pagkapasa ko nag-apply na ako ng work pero unluckily, hindi ako natanggap so temporarily sa PNRC muna ako as a volunteer habang naghahanap pa ng work.

Sa PNRC ko din nakita ang bago kong "pag-ibig". Nakasama ko sya sa first aid station namin, at sobrang nag-eenjoy ako kasama sya. Nung christmas party nga namin sobrang natuwa ako sa kanya, ang cute nya kasi at sobrang bait nya talaga... Pero after nung party, nung nag-uwian na ang karamihan, naisipan namin nung ibang co-volunteer ko na lumabas at bumili ng food sa isang convinience store. 4 kami na magkakasama nun, isa sa kanila ang close friend ko, di ko na lang sasabihin ang name nya pero isa syang guy... Tumambay kami sa tapat ng Manila Cathedral nun after namin kumain, madaling araw na yun, may simbang gabi pa nga, kwentuhan lang kami pero nagulat ako nung nagpahiwatig sya sa akin, di man diretso pero parang ang sinasabi nya ay gusto nya ako. Well... mabait sya, masaya ako pag magkasama kami, pero hindi naman pwede na maging kami for some reason na hindi ko pwede sabihin dito, basta very complicated!!! Yun na yung last na nagkasama kami, ewan ko na lang kung magkikita pa kami sa January... Haaaaay! Nakakabaliw na year 2007!!!

12.24.2007

Bangag kay Mickey Mouse

Date: December 23, 2007

Haaaaay! Naku po!!! Buti na lang tapos na ang station namin sa Meet n Greet Mickey Mouse and Friends!!! Almost 7 hours kami sa station namin sa SM Megamall at super bored talaga kami!!! Napag-kwentuhan na nga namin ng mga kasama ko ang kung anu-ano eh, talagang everything under the sun!!! Kahit medical terms pinatulan namin, sabagay puro kami nurses eh... Nung matapos yung show, ay sobrang relieved kami! Pero sobrang bangag na talaga ako nun, pagod at antok na! Habang papunta kami sa ambulance syempre naka-sunod kami kay sir Ablet, yung ambulance driver namin, as in sunod talaga, magtatapon na nga lang sya ng basura sinundan pa namin, at ako talaga ang nangunguna sa pag-sunod sa kanya kaya naman nagtaka si sir Ablet nung sumunod kami sa kanya kasi nga itatapon lang nya yung trash at hindi yun ang way namin papunta sa ambulance... Bangag na nga daw talaga ako!!! Pagdating naman sa ambulance, isa pang kabangagan para sa akin!!! Lumagpas lang naman ako sa ambulance namin! Parang ang liit nya at hindi ko napansin noh! Sabi nila sa akin, saan daw ako pupunta??? Absent minded talaga!! Haha!!!

Haaaay! Mami-miss ko din ang ambulance service kahit medyo boring minsan, nakaka-bonding ko naman ang mga co-volunteers ko...

12.23.2007

Christmas Party... Safety Services Style!

Last December 21, 2007, ang Red Cross Safety Services Dept. nagkaroon ng christmas party. Syempre first time ko makasama sa party nila... Ilang days din ang preparation namin sa party na yun (infairness napagod ako sa kaka-fax ng mga solicitation letters sa mga companies ha... pero worth it naman...). A day before the party, foods ang inintindi namin, tapos the day nung mismong party, syempre nagpaka-busy ako sa food preparation! Pero kahit busy, ok lang, masaya naman lalo na nung dumating si "crush"! Nabuhayan talaga ng dugo ang lola mo! haha!!! Ang cute naman kasi nya eh... Nung matapos na kami sa pagluluto, change costume na akei, tapos dumiretso na kami sa social hall.

Nung natapos na kami sa pagre-register, nag-picture taking muna kami, tapos nagpa-games na yung host. Nung na-igroup na kaming lahat, natawa ako sa group namin, halos puro kasi kami mga babae, ilang lang ang boys namin. Sa first game namin, ok naman kami, kasi carry ng lahat ng member ang game, nakuha namin ang 2nd place, pero ang pinaka challenge sa aming lahat ay yung sumunod na game! Tug-o-war lang naman na naka-upo!!! First try namin, panalo kami, pero yung sumunod talo na! Puro boys lang naman kasi yung nakalaban namin! Unfair!!! (bitter???). After ng 2nd game kainan muna! After ng kainan, raffle of prizes (luckily, I won!!! hehe...). After nung raffle, games uli, ang kulit nung game, jump rope lang naman, pero panalo kami!!! hehe... After nung lahat ng games, at na-i-tally na yung scores, tablado ang score between group 2 (kami yun!) and group 3. Ang tie-breaker challenge is 1 representative each group at kelangan lang naman mag-tumbling sa gitna!!! Panalo kami kasi walang pumunta na representative sa kabilang group! Kaloka talaga!!! After nun, nagpa-raffle na ng grand prize and nagpa-game pa ng isa, "bring me for adults", kawawang mga bata, sila ang napag-tripan sa game na yun! haha! After nun namigay na ng giveaways... Tapos nag-speech ang bawat staff, then uwian na... Pero syempre ako hindi umuwi kasi 2:30am na natapos... Videoke ang napag-tripan namin gawin after nung party!!! Saya!!!

12.12.2007

Meet n Greet Mickey Mouse n Friends

December 11, 2007, Na-assign ako sa SM North Edsa para mag-first aid station sa Mickey Mouse Clubhouse. 12noon ang first show pero dumating kami sa location at around 11am. Before mag-12 nag-lunch na kami, tapos at exactly 12noon nag-start na ang first show! Sobrang enjoy ako sa mga shows, feeling ko bumalik ako sa pagkabata! Ang cute kasi nila Mickey Mouse and his friends and the kids and kids at heart na nagpapa-picture with them too! Nakakatuwa din tingnan yung mga babies na naka-costume talaga! There's this cute baby girl, na naka-complete costume na minnie mouse talaga! Cutie! Yung ibang kids may mga stuff toys pa na mickey or minnie! Kakatuwa!!! hehe...

The show lasts for about 45mins lang, and then about 2 hours ang interval ng bawat show... So sa buong araw namin sa SM memorize ko na ang buong show, even the questions alam na alam ko na! haha! Kulang na nga lang sumali na din ako sa mga kids! haha!

Every after naman ng show, wala na kami ginagawa sa station, puro kwentuhan lang ang ginagawa namin, pero sobrang na-bored na din ako dahil naubos na ang pwede namin pag-kwentuhan! Yung isa naming kasama, natulog na nga ata sa loob ng sinehan! haha! Mayaman!!! Pagbalik sa station namin, natulog pa din! Kaloka talaga!!! Natapos yung last show at around 6:45pm syempre pack-up mode kami agad! Sa ambulance naman habang pabalik kami sa PNRC-NHQ nakahiga talaga ako sa stretcher!!! Sobrang antok talaga ako! Haaay! What a long day!!!

12.01.2007

NU Rock Awards

Nov. 30, 2007... Duty ako sa Red Cross, as usual wala ako masyado ginawa dun, pero nung hapon na, bigla ako sinabihan na mag-ambulance service daw ako at sa NU rock awards pa!!! Astig! Buti na lang dala ko ERU shirt ko! Pagtapos ko magpalit ng shirt takbo na ako agad sa ambulance paalis na kasi, pagdating namin sa World Trade Center wala pa yung mga performers, maaga kasi kami dumating, tambay mode muna kami sa ambulance tapos nung naka-usap na yung event coordinator, pumunta na kami sa First Aid station. After namin mag-dinner lumibot kami sa buong place (Survey the scene ba??? hehe). Sarap talaga maging first aider sa ganung event, you got a chance to see the celebs face to face! Haha! Super starstruck nga ako sa Bamboo, as in abot kamay ko na sila!!! Nahiya lang ako lumapit sa kanila, may kausap kasi! hehe... Astig talaga!!!