12.28.2007

What a year!!!

Ilang araw na lang bagong taon na naman!!! Parang kailan lang pumasok ang taong 2007 ngayon matatapos na sya!!! Haaaay! Ang bilis ng panahon! Madami din ang nangyari sa akin sa taong ito, parang roller coaster ang life ko!!!

Nung pumasok ang year 2007, toxic na ako sa school, una 50-50 chances ang maka-graduate dahil kulang pa sa OR-DR cases, windang na ako nun kung saan ako magco-complete ng cases, tapos nagre-review pa para sa Nursing board exam, pero sa awa ng diyos na-complete ko ang cases at naka-graduate naman ako nung April 2007. After graduation ang sumunod na problema eh kung makakapag-board exam ba sa June. Pahirapan naman sa pagpapa-pirma ng cases!!! Pero umabot naman kami sa deadline...

Hinding-hindi ko din makakalimutan ang mga masasayang moments ko kasama ang mga kaibigan at classmates ko. Naging very memorable ang year 2007 ko dahil sa kanila, kahit medyo toxic na kami sa school works, nakuha pa namin magsaya, andyan ang mga gala namin na naisi-singit pa namin sa hectic na sched namin, at ang mga kalokohan na talaga namang nagpa-windang sa mga clinical instructors namin, pero kahit puro kalokohan ang BSN 4Y, may masasabi naman... Isa pang bagay ang nagpa-windang sa life ko! Yun ay nung ma-inlove ako sa friend ko! I won't mention his name na lang, kasi until now di ko pa inaamin sa kanya... Haaaaay!!!

Isa sa malaking challenge sa akin ngayong taon na ito ay nung nag-take na ako ng board exam. Nung nagre-review pa ako, feeling ko talaga wala akong confidence na mag-take, feeling ko babagsak lang ako, pero dahil sa support ng family and friends ko at syempre tiwala kay God, nag-take na ako. After nung 2 days na exam namin ang laking relief para sa akin, pero syempre di pa nawawala yung kaba, dahil ang aantayin naman ay yung result. Pero the day after nung exam, may iba akong pinagkaabalahan... Nag-training ako ng standard first aid and basic life support-cpr sa red cross. Sa school sya ginawa pero ang mga trainors namin ay galing sa PNRC-NHQ. Pansamantala kong nalimutan yung kaba ko about sa exam, at nag-enjoy naman talaga ako ng todo sa training! After nung training namin, habang inaantay yung result ng exam, nag-volunteer naman ako sa PNRC-NHQ. Sobrang nag-enjoy talaga ako as a volunteer dun, ang dami ko na naging kaibigan at madami na din ako experiences... Nung lumabas ang result ng board exam namin, laking kaba ko talaga, pero salamat sa diyos at isa ako sa naka-pasa. Pagkapasa ko nag-apply na ako ng work pero unluckily, hindi ako natanggap so temporarily sa PNRC muna ako as a volunteer habang naghahanap pa ng work.

Sa PNRC ko din nakita ang bago kong "pag-ibig". Nakasama ko sya sa first aid station namin, at sobrang nag-eenjoy ako kasama sya. Nung christmas party nga namin sobrang natuwa ako sa kanya, ang cute nya kasi at sobrang bait nya talaga... Pero after nung party, nung nag-uwian na ang karamihan, naisipan namin nung ibang co-volunteer ko na lumabas at bumili ng food sa isang convinience store. 4 kami na magkakasama nun, isa sa kanila ang close friend ko, di ko na lang sasabihin ang name nya pero isa syang guy... Tumambay kami sa tapat ng Manila Cathedral nun after namin kumain, madaling araw na yun, may simbang gabi pa nga, kwentuhan lang kami pero nagulat ako nung nagpahiwatig sya sa akin, di man diretso pero parang ang sinasabi nya ay gusto nya ako. Well... mabait sya, masaya ako pag magkasama kami, pero hindi naman pwede na maging kami for some reason na hindi ko pwede sabihin dito, basta very complicated!!! Yun na yung last na nagkasama kami, ewan ko na lang kung magkikita pa kami sa January... Haaaaay! Nakakabaliw na year 2007!!!

No comments: