Ok, kahapon nasa NBC tent kami for the birthday celebration ni Chairman. Assigned ako sa medical team, so maaga pa lang pinapunta na kami sa NHQ, at kamusta naman dun, akala namin maaga kami aalis, alangya! Inabot pa kami ng lunchtime sa NHQ. Hanep talaga! Kaya naman ang lola nyo, bago makarating sa location hagard look na! After namin mag-lunch sa headquarters, pumunta na kami, sa Medic 2 ako sumakay kasama ang team members ko, grabe, kaloka ha! Habang papunta kami, more asaran ang nangyari, at muntik na ako mapikon, buti na lang na-control ko sarili ko! Pero kahit medyo asar ako nung time na yun, medyo nagkatawanan pa din kami, kasi naman, etong delta(driver) namin eh biglang nag-break nung inabutan sya ng red light sa stoplight, sa bilis ng takbo at biglang break nya, ayun, sumubsob lang naman kami sa loob ng ambulance. Yung isang kasama namin, napasubsob talaga sa likod nung TL namin na naka-upo sa tabi ng driver's seat! Kung hindi nga lang ako nasalo nun, siguro nasubsob naman ako sa sahig! Grabe talaga yun! Pagdating naman namin sa location, ayun, tambay mode ng konti sa ambu, re-touch ng konti, tapos nag-set up na ng station. Grabe ang pagod namin at gutom nun, tapos ang dinner namin 5pm ng hapon at chicken at rice lang, wala pang spoon and fork! Pero carry naman, ganun talaga sa PNRC. Pagtapos ng dinner, ayun, nagbihis na kami ng uniform namin, at syempre nagpaganda, papatalo ba naman kami sa mga usherettes! Hehe... At around 6pm, ayan nagsisipagdatingan na ang mga bwisita este bisita pala. Puro politicians ang nakita ko, well, expected naman... Nung time na yun, umiral ang pagiging pasaway at madiskarte namin, sa gutom uli namin, pati yung appetizers na para sa mga bisita pinatulan namin, yung ibang staff ng PNRC, kumukuha para sa amin tapos tatawagin namin yung ibang kasama namin na ushers at usherettes para kumain sa station, tapos kami pasimple na kumukuha ng drinks, we just make sure na hindi kita yung logo ng PNRC sa damit namin! Haha! Kulit talaga, pero di ako natuwa sa food, palibhasa hindi ako masyado sa food na pangmayaman! haha! joke!
Nung nag-start na ang program, ayun, nagsimula na kami ma-bored sa station, kaya naman kung anu-ano na ang ginagawa namin dun, andyan ang rotation sa pag-ikot sa loob, paglabas sa tent, etc... Ako lagi dahilan ang CR pero sa totoo lang, napunta ako sa mga kasamahan namin na nasa tabi ng stage, andun kasi yung ambulance at fire truck na pinasok sa loob, natambay at kwentuhan kami kahit saglit lang... Kagalit nga lang din doon kasi naman sobrang lakas ng aircon, parang galit sila sa init at kelangan full blast ang aircons! Nung time din na yun, medyo ilang ako, kasi andun si "A" at hindi pa kami masyado nagpapansinan since nung inaway ko sya sa text dahil sa ginawa nya sa akin, pero nung bandang huli, sya na rin ang kumausap sa akin which is sign na ok na kami. Nakikipag-biruan na din sya uli sa akin, at ganun din naman ako, past is past na naman kasi... At around 10pm na, medyo ramdam na namin ang gutom talaga, hindi na ako at yung kasama ko naka-tiis, pumasok na kami at kumuha na ng food sa buffet table kahit konti na lang yung food. Doon nga ako kumain sa may fire truck habang nakikipag-kwentuhan tapos kumuha pa kami ng San Mig Lights na dapat iinumin namin pagbalik sa NHQ, pero mga natakot! haha! Inuutusan pa nga namin yung iba naming kasama na lalake na kumuha eh pero wala din sila guts! haha! Takot kami ma-boldyak! After ko kumain, nag-kwentuhan na kami nung ate ko dun kasama si "A", niloloko nya ako, na nilalamig na naman ako! Eh malamig naman talaga! Gusto ko na nga hiramin yung jacket na pangbumbero na suot nya eh. Dapat nga din hihiramin ko jacket nya na nasa rescue van namin, pero baka maghinala yung mga tao na andun... Nung nagkukwentuhan kami sa fire truck that time, yun na din yung time na si Chairman, magbo-blow na ng candle, so kami, baba lahat sa truck at nanood na. Habang nanood napatanong ako kung ilang taon na si Chairman, aba si "A" pupunta ba naman kay Chairman at tatanungin, sa takot ko na totohanin nya, hinatak ko nga sya pabalik sa pwesto nya. Natatawa din ako dun kay "A", may forward text din kasi ako sa kanya, aba, hindi binasa ng buo yung message, at nag-reply talaga sa akin, kung ano ba daw yun! Tawa ako ng tawa nun! Sabi ko "tapusin mo yung message!" Pasaway! After nung candle blowing ni chairman ayun, medyo nagpack up na kami paunti-unti... Tapos nung wala na masyado bisita, isa-isa na kami umalis, pabalik sa NHQ.
No comments:
Post a Comment