7.23.2007

Bonding namin ng friend ko...

Ang saya ng araw na to... After how many months ngayon ko na lang uli nakita ang friend kong si Maeth. Sobrang na-miss ko sya, kaya nga excited ako nung sinabi nya na kung pwede ba raw nya hiramin yung bagong DOH book ko, kasi may reason ako para umalis at makita sya! Pagdating ko sa school andun na sya, tapos pagka-iwan namin sa photocopy center, pumasok muna kami sa loob ng school, nagpunta kami sa student council office para humingi ng cover ng diploma namin, tapos more more kwento talaga kami sa mga nangyari sa amin... After namin makuha yung pina-photocopy na book nagpunta kami sa house nung isa naming friend. Ginulo namin buhay nya! hehe... Pero ok lang, bonding naman kaming tatlo! More more kwentuhan at ligwakan ang ginawa namin!

Mami-miss ko yung mga ganitong moments pag nag-work na ako! =(

No comments: