July 25, 2007! This is the day I've been waiting for!!! Mag-vo-volunteer kasi ako sa Red Cross!
9am gising na ako, syempre excited talaga ako, inayos ko agad yung mga things na kelangan ko dalhin, tapos nagmadali ako sa pagligo, 10am sakto nakaalis na ako sa bahay, muntik pa nga ako magkamali sa Red Cross Chapter na pupuntahan ko, ang sabi kasi sa akin ni papa dalawa daw yung alam nyang Red Cross sa Manila! Syempre ako more panic, hindi ko kasi natanong sa mga kasabay ko sa training kung saang Red Cross sila nag-volunteer... More text talaga ako sa friend ko pero sa kasamaang-palad hindi sya nag-reply. Nag-text din ako sa friend ko na instructor sa PNRC, more2x dasal talaga ako nun, na sana sagutin nya ang text ko, and thank God, nag-reply! So, yun nga sinabi nya na sa National Headquarters sila nag-volunteer. So ok na, nakahinga ako ng maluwag... HAY!!! Pagdating ko sa PNRC, breaktime so ako nag-lunch muna and then bumalik ako ng 1pm. Pagdating ko sa office ng Safety Services, sinabi ko na mag-vo-volunteer ako. Nalungkot naman ako nung sinabi nya na kelangan daw yung ID para makapag-volunteer. Hindi pa kasi nabigay yung mga ID and certificate namin. May problem daw dun sa batch namin. huhuhu... Yung mga kasabay ko sa training, kaya daw sila naka-pag volunteer eh, dinala daw kasi sila agad ng instructor... =( Sana sumama na lang ako sa kanila nung niyaya ako... Huhuhu...
No comments:
Post a Comment