10.16.2007

He really made my day!

Nasa Perps ako kanina, may on-going training kasi ang Red Cross (RC) ngayon dun, and humingi din kasi ng assistance si Pay sa akin. Lunch time na nung dumating ako dun at thank God hindi toxic unlike kahapon. Natuwa naman ako nung lunch time na, kasi nagkaroon ako ng chance na maka-usap si "Crush" (FYI, si crush eh isang instructor sa RC), I approached him, and then I asked him if he already have a training for IV Therapy (He's also a nurse, just like me... hehe), nung sinabi nya na wala pa, sinabi ko sa kanya na may naka-schedule sa Perpetual Hospital this coming November, looks like he's interested... Hopefully magkasabay kami sa training... hihi...

Nung hapon after ng class nya nakita ko sya sa may garden ng school, mag-isa lang sya, pinuntahan ko sya dun, then I asked him bakit andun sya, iniisip pala nya kung uuwi na lang sya mag-isa or aantayin pa nya yung ibang instructors na nagpapa-exam pa para makasabay sya sa van, so sinamahan ko muna sya dun, nagkwentuhan kaming dalawa, naputol na lang yung kwentuhan namin nung dumating na lang yung ibang instructors, tapos umuwi na kami. Sobrang bait nya talaga, hindi pala sya snob... Nag-ba-bye pa nga sya sa akin eh... =)

No comments: