10.18.2007

Dahil sa coffee...

So nice naman this day!!! Ang sweet kasi ni "crush"... hehe...

Here's the story...
Habang busy ang mga instructors sa kanilang mga classes, ako naman nagpapaka-busy din sa room namin, malamig at medyo nakaka-antok ang room nung mga oras na yun, wala kasi masyadong tao dun, may mga pumapasok na instructors pero para kumuha lang ng coffee nila at bumabalik din sila agad sa classes nila, isa sa mga instructors na pumasok eh si "crush" syempre para kumuha ng coffee, lumapit sya sa table ko, inalok nya ako ng coffee, pero tinanggihan ko, ang akala nya tuloy hindi ako umiinom ng coffee, pero wala pa ako sa mood uminom nung time na yun. Nag-lecture pa nga sya eh, sabi nya "hindi mo ba alam na anti-oxidant ang coffee?" Hiniritan ko nga, sabi ko sa kanya "kung ipagtitimpla mo ako ok lang..." Sabi nya naman "Yun ang hindi na anti-oxidant..." Nagkatawanan na lang kaming dalawa, tapos bumalik na sya sa class nya... =)

After lunch na... Tapos na kaming kumain lahat, bumalik na sila uli sa classes nila, boring na naman ang room, ako naman mag-isang nagbabasa lang dun nang biglang may pumasok, si "crush" pala uli! at syempre magtitimpla uli ng kape... hehe... dumaan sya sa harap ko, inalok nya uli ako ng coffee bago sya magtimpla, this time wala na ako nasabi, napa-ngiti na lang ako sa kanya... =) Haaaay! Dahil sa coffee nakausap ko uli si "crush"! Complete na naman ang araw ko!!! Weeee! hehe... c",)

No comments: