The adventures begins here...
Day 1: March 24, 2008
Around 4 o'clock in the morning, nagising ako sa alarm ng cellphone ko, tiningnan ko ang oras at na-realize ko na, it's time na pala, and this is the day that I've been waiting for!!! Ngayon kasi ang araw na makakapag-bakasyon uli ako sa Puerto Galera, after more than 10 years since my last visit there. Ok, so gising na nga ako, pero ang kapatid at pinsan ko ay tulog pa din sa mga oras na ito, kaya ako naman, humiga muna ng ilang minuto at inantay ko na magising na din sila. Nung magising na sila, bumangon na ako at inihanda ang mga gamit at ang damit na susuotin ko, at naligo na. Pagkatapos namin makaligo at makapag-bihis, kumain na kami ng almusal at umalis na ng bahay papunta sa meeting place namin nung friend ng sister ko. Nung na-kumpleto na kami, inihatid kami sa terminal ng bus papuntang Batangas Pier. Maganda naman ang byahe namin papunta sa Batangas, mabilis at walang traffic. Pagdating namin sa Batangas Port, sinalubong kami ng mga porter at tinanong kung kami ba ay papuntang Puerto Galera, binuhat nila ang mga dala naming bag at dinala kami sa ticket outlet. Two-way ticket ang binili namin dahil may discount ito, at next naman na binayaran ay ang environmental fee na worth 50 pesos at terminal fee na worth 10 pesos kung ikaw ay hindi student. Pagpasok namin sa terminal, ilang minuto lang ang inantay namin para sa boarding, enough para makapag-picture taking.. hehe..
Around 9 o'clock, tinawag na ang lahat ng passengers for boarding papuntang Galera, at kami yun! Habang nag-aantay umalis, nag-picture taking uli kami, at kumain ng snack. Around 9:30 on my watch, umalis na ang bangka namin, maganda ang byahe namin, maluwag ang bangka at hindi masyado maalon, pero sa kadahilanan na hindi ako nakatulog sa bus, sa bangka ako inabutan ng antok at ayun kahit hirap sa pwesto naka-tulog din ako! Pero nagigising din dahil sa mga pasaway na Koreano na kasabay namin, ang ingay nila to the highest level ha!!! After 1 hour and 30 minutes, narating namin ang bayan ng Galera, nag-stop over muna kami dun, para ibaba ang mga pasahero at pagkatpos dun ay inihatid na kami sa White Beach. Pagdating namin sa White Beach, sinalubong kami ng kausap namin, nagbibiruan pa nga kami, dahil wrong spelling ang name ng kapatid ko sa white board nung kausap namin. Before kami dumiretso sa room namin, inayos muna namin ang schedule ng bangka namin pauwi pero hindi rin namin nagawa, dahil undecided pa kami sa time na gusto namin.
Past 11 o'clock na kami nakarating sa room namin, at ang first na ginawa namin dun ay mag-lunch. Masarap naman ang naging lunch namin dun, pero aminado ako na medyo mahal ang food sa Galera. After namin mag-lunch, nag-change outfit muna kami, and nag-stroll at picture taking sa beach kahit super tindi ng sikat ng araw. Pero sa sobrang ganda at inviting naman talaga ang water, naisipan na namin maligo, kaya balik uli kami sa room para kuhain ang mga gamit namin at makaligo na! Medyo malamig yung tubig pero masarap naman talaga, and more sun bathing talaga kami dun! Nangitim nga ako agad! haha! After namin maligo sa beach, bumalik muna kami sa room para magbihis, tapos nung hapon nag-stroll ako kasama ang pinsan at kapatid ko. Since palubog na nung time na yun ang araw, more capture talaga ng sunset ang drama ko! Na-miss ko din tuloy bigla si Jao, kasi naman hindi sumama ang lokong yun! After namin mag-picture taking, naisipan namin na mag-palagay ng tattoo. Ang sa akin ay butterfly sa ankle pero nag-doubt pa nga ako sa kalalabasan pero nung natapos na, maganda naman pala. Ang cute nga daw!
After namin magpa-tattoo bumalik uli kami sa room to have our dinner, syempre more tipid talaga kami, yung mga baon namin ang kinain namin, at pagkatapos mag-dinner lumabas kami para uminom naman, may dala kasi yung boyfriend nung friend ng kapatid ko na margarita na nasa bottle. Sa may beach front kami nag-inuman that time, dala-dala namin yung pang-sapin namin sa buhangin. Syempre more pictures kami at kalokohan dun! Ako naman habang umiinom, ka-text si Jao, kinukwento ko sa kanya lahat ng ginagawa namin that time, kaya naman lalo ko sya na-miss that time! Mas masaya siguro ako kung kasama namin sya. After namin mag-inuman sa tabing dagat, bumalik na uli kami sa room, pero kaming tatlo ng pinsan at kapatid ko, bumaba uli para uminom pa din sa bar at this time beer naman ang ininom at dun naglabas ng mga revelations sa life! Haha! Ang drama namin! After nun, bumalik na din kami sa room at natulog na...
Day 2: March 25, 2008
Gumising ako sa araw na ito na may tama pa din... First time nangyari sa akin yun! Mabuti na lang din, medyo nawala nung uminom na ako ng coffee at nakaligo. After ko makaligo at makapag-bihis lumabas na uli kami at syempre dun uli kami sa favorite place namin sa beach front at more picture takings talaga!!! Around lunch time, naisipan na muna namin magpalamig, so pumunta kami sa VM bar and restaurant at dun nag-fruit shake kami, at pagkatapos nun, bumalik na kami sa room para kumain na ng lunch. After lunch time, nag-stay lang kami sa room at nonood ng tv, pero naka-tulog din ako. Nung nagising na ako around 5 o'clock na ng hapon. Naisipan namin lumabas uli at pumunta sa favorite place namin sa beach front pero nung time na yun madami ang tao sa fave place namin kaya naghanap kami ng ibang place. Naupo lang kami nung time na yun sa buhangin at nagbasa ako ng book habang inaantay ang sunset at syempre picture taking uli... Nung madilim na at dinner time na din, naisipan namin na dun na mag-dinner sa may tabing dagat, so bumili na lang kami ng ihaw-ihaw at rice at dun kami kumain. It's my first time na gawin yun kaya naman sobrang nag-enjoy ako kahit tipid mode kami... Na-miss ko din tuloy si Jao, kasi naman ang sweet nung dalawa naming kasama noh! After nung dinner namin, bumalik kami sa room para magpahinga ng konti at manood ng tv. Nung medyo bored na kaming tatlo nung kapatid at pinsan ko, lumabas na uli kami at pumunta na sa fave place namin, at this time buti na lang talaga wala na yung mga tao. Naglatag uli kami ng sapin at humiga habang tinitingnan ang mga stars.
Masaya ang usapan naming tatlo nung time na yun, talagang anything under the sun or moon, nung bigla na lang may lumapit sa amin na tatlong Koreano. Sila pala yung palagi namin nakikita dun at take note ang akala lang namin eh, gusto nila magpa-picture na kami ang kukuha, pero kasama pala kami sa picture! Oha! Ang ganda naman ng beauty namin, sa dami naman kasi ng girls dun eh kami talaga yung nilapitan... Nung naka-sunod na sa amin yung dalawa naming kasama, naisipan na namin bumili ng drinks, so kaming tatlo nauna na bumili, pero habang bumibili kami, shocks! Andun na naman yung tatlong Koreano at lumapit pa uli sa amin, at this time nakipag-kilala na sila at tinanong kami kung ok lang na mag-join sila sa inuman session namin. So kami naman, ok fine as long as dun kami iinom lahat sa pwesto namin sa tabing dagat. Walang problem sa kanila, bimili pa nga kami ng pulutan pero badtrip nung inaantay namin maluto yung binili namin, may epal lang naman, at bastusan ang gusto ata nun! Kung pwede nga lang ipukpok ko sa kanya yung hawak ko na beer eh! Lokong yun! Mas matino pa nga sa kanya yung mga Koreano, at least sila walang malisya at magalang. Bakit ba kung sino pa yung Pinoy eh sya pa yung bastos! Malunod sana yun!
Pagbalik namin sa tabing dagat, start na kami ng inuman session at kwentuhan, grab, thank God talaga at kasama namin yung pinsan ko, sanay kasi sya makipag-usap sa Koreans, nagtuturo kasi sya ng english language, kung hindi naku nosebleed ako!!! Mababait sila at medyo na-shock lang kami nung sinabi nila na mga students pa lang sila! Ang tangkad kasi nila at hindi talaga halata na student sila, too bad at wala kami picture kasama sila. Well, sa camera nila meron but sa cam namin wala... Sayang... Matagal din ang usapan at kwentuhan namin dun, kung hindi nga ata kami nagpaalam sa kanila malamang sikatan na kami ng araw dun, at medyo napapadami na rin kasi ang inum nila at bangag na din ako nun. Isang dahilan din pala ay may mga epal na din sa paligid, akala mo naman, ang ganda ng kanta nila pero the hell! Sarap ibato yung mga bote ng beer sa kanila! Grrrr!
Day 3: March 26, 2008
OK, this is our last day, pero hindi pa natapos ang adventures namin, nung morning after mag-almusal naisipan namin maligo uli sa beach, kahit medyo tirik na ang sikat ng araw that time, kasi naman 10 o'clock na yun, go pa din kami sa paliligo, kahit sunburn na ako nung first day pa lang ok lang, medyo hirap nga lang maligo kasi ang lakas na nung alon, natatangay na kami sa malalim, pero enjoy pa din! hehe... Nung umahon kami nag-bilad na lang kami uli sa araw, at nakita pa nga namin yung tatlong Korean na naka-inuman namin na pauwi na. Well, we just said goodbye to each other... After nun, nung medyo gutom na kami, bumalik na kami uli sa room at nagbanlaw na, para makapag-lunch na din. The heck naman sa kinainan namin ng lunch, super bagal nila! Yung drinks na inorder ko, ubos na bago dumating ang food namin! After lunch, may 1 hour pa kami before boarding sa boat kaya namili muna kami ng pasalubong, gusto ko nga sana mamili ng madaming pasalubong kaya lang parang not worth buying yung iba. Actually gusto ko nga bilihan ng pasalubong na shirt si Jao kaya lang nag-aalangan ako sa size. Hehe... Before 3:30pm nag-check out na kami at pumunta na sa boat, but before kami umakyat nag-picture taking muna kami for the last time.
Sarap ulitin ang bakasyong ito! Hopefully next time, kasama ko na si Jao... Hehe...
3.27.2008
3.22.2008
I guess this is not my day...
Haaaaaaay! I'm not in the mood talaga this day... Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa araw na ito. Sya na lang kasi palagi naiisip ko, wala man lang message from him, nag-aalala na nga ako sa kanya, tuloy naisip ko din na sana may iba na lang ako pinagkaka-abalahan kung hindi ko rin naman sya makaka-usap o makikita man lang. Haaaaaay! Pag-ibig nga naman...
3.17.2008
Bum to the highest level!!!
Mga gawain ng isang bum:
1. Mag-internet hanggang sa magsawa.
2. Soundtrip hanggang makatulog.
3. Movie marathon hanggang sa ma-bwisit sa panget na kopya ng dvd.
4. Panggigilan ang cute na cute na pinsan sa picture (sa pic lang dahil nasa ibang bansa nakatira).
5. Kumain nang kumain hanggang sa tumaba at pagkatapos ay magbabalak mag-exercise.
6. Magtext nang magtext, unlimited naman eh, pero good luck na lang pag natapos na unli!
7. Maligo ng matagal! Sulitin ang paliligo, dahil pag may trabaho na hindi ko na makukuha pang maligo ng atleast 20mins. Pabilisan na to!
8. Magdilig kapag may pressure na... Ayaw ko pag wala pa pressure. Choosy ako eh...
9. Magbalak mag-duty sa ERU at pagkatapos ay tatamarin na pumasok.
10.Mag-daydream na kunwari ay kasama ko si pag-ibig ko! (Palibhasa'y hopeless romantic!!!)
1. Mag-internet hanggang sa magsawa.
2. Soundtrip hanggang makatulog.
3. Movie marathon hanggang sa ma-bwisit sa panget na kopya ng dvd.
4. Panggigilan ang cute na cute na pinsan sa picture (sa pic lang dahil nasa ibang bansa nakatira).
5. Kumain nang kumain hanggang sa tumaba at pagkatapos ay magbabalak mag-exercise.
6. Magtext nang magtext, unlimited naman eh, pero good luck na lang pag natapos na unli!
7. Maligo ng matagal! Sulitin ang paliligo, dahil pag may trabaho na hindi ko na makukuha pang maligo ng atleast 20mins. Pabilisan na to!
8. Magdilig kapag may pressure na... Ayaw ko pag wala pa pressure. Choosy ako eh...
9. Magbalak mag-duty sa ERU at pagkatapos ay tatamarin na pumasok.
10.Mag-daydream na kunwari ay kasama ko si pag-ibig ko! (Palibhasa'y hopeless romantic!!!)
3.16.2008
Masaya lang..
Whoa! Ang saya-saya ng araw ko ngayon! Kahit ka-text ko lang si pag-ibig ko, masaya na ako! Matatagalan kasi bago kami mag-kita in person eh, may turo sya until after holy week pa. This week sa Subic daw, gusto ko nga sana sumama sa kanya eh, payag naman sya, pero hindi pwede, kasi for sure hindi ako papayagan ng parents ko, lalo na kung malalaman nila na sya lang ang kasama ko! I'm doomed talaga pag-sumama ako sa kanya! At another reason pa, after holy week eh, pupunta naman ako ng Puerto Galera kasama ang sister ko at friends nya, so masyadong magastos for me.. hehe... Gusto ko nga din sana kasama sya sa Puerto, kaya lang yun nga, may turo sya sa La Union naman, grabe, ang layo ng mga turo nya, palibhasa swimming ang ituturo kaya ayun, sa mga beaches sila, sayang talaga, eh di sana moment na namin yun! Ahaha! Tarush! Pero ano naman masama dun, eh "girlfriend" daw nya ako eh, eh di panindigan na!!! Wehehe... Hopefully next time magkaroon na kami ng chance na makapag-bonding together! He's a nice guy naman eh... Ako lang naman etong snob sa kanya eh ever since nagkakilala kami sa RC eh...
3.11.2008
Miss him so much!!!
Huhuhu... It's almost a week na, ang tagal na namin hindi nagkikita ni crush, nasa Bulacan kasi sya, may turo... huhuhu... Super miss ko na sya, miss ko na yung mga lambing nya sa akin, yung mga hugs nya!!! Sana magkita na kami!!!
3.08.2008
Emergency Responder... Finally it's official!!!
Hahaaaaay! Can't believe na nasa Emergency Response Unit (ERU) ng Red Cross na ako!!! First time ko mag-duty at 24 hours agad!!! Career!!! Hehe... I started my duty yesterday, March 7, '08 at 8am, and so far yung first 12 hours ko, hindi naman toxic, wala naman ako ginawa kundi mag-monitor lang sa radio just in case may emergency. Akala ko nga magkakaroon kami ng responde eh, kasi may na-monitor ako na sunog, pero naging fire under control na sya eh, kaya di na kami tumakbo sa area. Nakakaloka din ang first day ko, kasi nung kinahapunan na, nagpa-deploy sila ng mga ERU members na on duty sa Laguna, dahil sa outbreak ng typhoid fever at sa limang naka-duty that time 2 lang kami ang natira sa Red Cross NHQ dahil yung 3 ipinadala na dun, akala ko nga isasama din ako, kasi kelangan nila ng nurses dun ngayon, pero more more excuses ako! haha! Ayoko nga, possible 3 days daw magtatagal ang ipapadala dun, eh ang dala ko na gamit is good for overnight lang! kamusta naman yun!!! Nung natapos ang morning shift ko, medyo nakahinga ako ng maluwag kabado kasi ako, hindi ko alam mangyayari sa amin nung kasama ko kung nagkataon na may responde kami, hehe, pero may night shift pa, pero hindi naging mabigat ang night shift ko, 3 teams kasi kami nun. Yung first 4 hours namin, ang team 1 ang monitoring at kasama ako dun. Ako din ang na-assign sa medical just in case magkaroon ng responde, pero natapos ang oras namin na wala naman naging emergency, kaya naman after ng time namin, tulog talaga ako!!! Pagdating ng 5:30am nagpa-alarm na yung facilitator namin. It's time for our exercise na kasi, and that is still a part ng ERU every saturday. Supposed to be 6am dapat wala na kami sa NHQ at nasa Luneta na dapat pero past 6am na kami naka-alis, kaya sumakay na kaming lahat sa Ambulance papunta sa Luneta. Para kaming sardinas sa lood, 16 volunteers lang naman ang sumama! May nagsabi pa na para kaming nasa sauna.. Hahaha!!! Ang init kasi sa dami namin! Pagdating sa Luneta, syempre may konting briefing lang about sa mga upcoming events na sasalihan ng Red Cross, ang after nun, nag-start na kami ng exercise. It's a girl vs boys! Sakto na 8 girls at 8 boys kami! Nakakatuwa! hehe... After ng exercise, hindi pa yun tapos, as usual kasama sa exercise namin every saturday ang pagbubuhat ng stretcher na may load, at puro kami babae sa team namin! Girl power talaga! After ng stretcher, relay naman ang ginawa namin, this time pantay na, magkahalo na ang babae sa lalake. Grabe na relay yan! Ang layo ng tinakbo namin, pagdating pa sa dulo, iikot pa kami ng ka-team ko na magka-hawak ang kamay, ay grabe! Feeling ko tatalsik ako sa bilis ng ikot namin! Kaloka talaga!!! Pero sobrang nag-enjoy talaga ako!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)