The adventures begins here...
Day 1: March 24, 2008
Around 4 o'clock in the morning, nagising ako sa alarm ng cellphone ko, tiningnan ko ang oras at na-realize ko na, it's time na pala, and this is the day that I've been waiting for!!! Ngayon kasi ang araw na makakapag-bakasyon uli ako sa Puerto Galera, after more than 10 years since my last visit there. Ok, so gising na nga ako, pero ang kapatid at pinsan ko ay tulog pa din sa mga oras na ito, kaya ako naman, humiga muna ng ilang minuto at inantay ko na magising na din sila. Nung magising na sila, bumangon na ako at inihanda ang mga gamit at ang damit na susuotin ko, at naligo na. Pagkatapos namin makaligo at makapag-bihis, kumain na kami ng almusal at umalis na ng bahay papunta sa meeting place namin nung friend ng sister ko. Nung na-kumpleto na kami, inihatid kami sa terminal ng bus papuntang Batangas Pier. Maganda naman ang byahe namin papunta sa Batangas, mabilis at walang traffic. Pagdating namin sa Batangas Port, sinalubong kami ng mga porter at tinanong kung kami ba ay papuntang Puerto Galera, binuhat nila ang mga dala naming bag at dinala kami sa ticket outlet. Two-way ticket ang binili namin dahil may discount ito, at next naman na binayaran ay ang environmental fee na worth 50 pesos at terminal fee na worth 10 pesos kung ikaw ay hindi student. Pagpasok namin sa terminal, ilang minuto lang ang inantay namin para sa boarding, enough para makapag-picture taking.. hehe..
Around 9 o'clock, tinawag na ang lahat ng passengers for boarding papuntang Galera, at kami yun! Habang nag-aantay umalis, nag-picture taking uli kami, at kumain ng snack. Around 9:30 on my watch, umalis na ang bangka namin, maganda ang byahe namin, maluwag ang bangka at hindi masyado maalon, pero sa kadahilanan na hindi ako nakatulog sa bus, sa bangka ako inabutan ng antok at ayun kahit hirap sa pwesto naka-tulog din ako! Pero nagigising din dahil sa mga pasaway na Koreano na kasabay namin, ang ingay nila to the highest level ha!!! After 1 hour and 30 minutes, narating namin ang bayan ng Galera, nag-stop over muna kami dun, para ibaba ang mga pasahero at pagkatpos dun ay inihatid na kami sa White Beach. Pagdating namin sa White Beach, sinalubong kami ng kausap namin, nagbibiruan pa nga kami, dahil wrong spelling ang name ng kapatid ko sa white board nung kausap namin. Before kami dumiretso sa room namin, inayos muna namin ang schedule ng bangka namin pauwi pero hindi rin namin nagawa, dahil undecided pa kami sa time na gusto namin.
Past 11 o'clock na kami nakarating sa room namin, at ang first na ginawa namin dun ay mag-lunch. Masarap naman ang naging lunch namin dun, pero aminado ako na medyo mahal ang food sa Galera. After namin mag-lunch, nag-change outfit muna kami, and nag-stroll at picture taking sa beach kahit super tindi ng sikat ng araw. Pero sa sobrang ganda at inviting naman talaga ang water, naisipan na namin maligo, kaya balik uli kami sa room para kuhain ang mga gamit namin at makaligo na! Medyo malamig yung tubig pero masarap naman talaga, and more sun bathing talaga kami dun! Nangitim nga ako agad! haha! After namin maligo sa beach, bumalik muna kami sa room para magbihis, tapos nung hapon nag-stroll ako kasama ang pinsan at kapatid ko. Since palubog na nung time na yun ang araw, more capture talaga ng sunset ang drama ko! Na-miss ko din tuloy bigla si Jao, kasi naman hindi sumama ang lokong yun! After namin mag-picture taking, naisipan namin na mag-palagay ng tattoo. Ang sa akin ay butterfly sa ankle pero nag-doubt pa nga ako sa kalalabasan pero nung natapos na, maganda naman pala. Ang cute nga daw!
After namin magpa-tattoo bumalik uli kami sa room to have our dinner, syempre more tipid talaga kami, yung mga baon namin ang kinain namin, at pagkatapos mag-dinner lumabas kami para uminom naman, may dala kasi yung boyfriend nung friend ng kapatid ko na margarita na nasa bottle. Sa may beach front kami nag-inuman that time, dala-dala namin yung pang-sapin namin sa buhangin. Syempre more pictures kami at kalokohan dun! Ako naman habang umiinom, ka-text si Jao, kinukwento ko sa kanya lahat ng ginagawa namin that time, kaya naman lalo ko sya na-miss that time! Mas masaya siguro ako kung kasama namin sya. After namin mag-inuman sa tabing dagat, bumalik na uli kami sa room, pero kaming tatlo ng pinsan at kapatid ko, bumaba uli para uminom pa din sa bar at this time beer naman ang ininom at dun naglabas ng mga revelations sa life! Haha! Ang drama namin! After nun, bumalik na din kami sa room at natulog na...
Day 2: March 25, 2008
Gumising ako sa araw na ito na may tama pa din... First time nangyari sa akin yun! Mabuti na lang din, medyo nawala nung uminom na ako ng coffee at nakaligo. After ko makaligo at makapag-bihis lumabas na uli kami at syempre dun uli kami sa favorite place namin sa beach front at more picture takings talaga!!! Around lunch time, naisipan na muna namin magpalamig, so pumunta kami sa VM bar and restaurant at dun nag-fruit shake kami, at pagkatapos nun, bumalik na kami sa room para kumain na ng lunch. After lunch time, nag-stay lang kami sa room at nonood ng tv, pero naka-tulog din ako. Nung nagising na ako around 5 o'clock na ng hapon. Naisipan namin lumabas uli at pumunta sa favorite place namin sa beach front pero nung time na yun madami ang tao sa fave place namin kaya naghanap kami ng ibang place. Naupo lang kami nung time na yun sa buhangin at nagbasa ako ng book habang inaantay ang sunset at syempre picture taking uli... Nung madilim na at dinner time na din, naisipan namin na dun na mag-dinner sa may tabing dagat, so bumili na lang kami ng ihaw-ihaw at rice at dun kami kumain. It's my first time na gawin yun kaya naman sobrang nag-enjoy ako kahit tipid mode kami... Na-miss ko din tuloy si Jao, kasi naman ang sweet nung dalawa naming kasama noh! After nung dinner namin, bumalik kami sa room para magpahinga ng konti at manood ng tv. Nung medyo bored na kaming tatlo nung kapatid at pinsan ko, lumabas na uli kami at pumunta na sa fave place namin, at this time buti na lang talaga wala na yung mga tao. Naglatag uli kami ng sapin at humiga habang tinitingnan ang mga stars.
Masaya ang usapan naming tatlo nung time na yun, talagang anything under the sun or moon, nung bigla na lang may lumapit sa amin na tatlong Koreano. Sila pala yung palagi namin nakikita dun at take note ang akala lang namin eh, gusto nila magpa-picture na kami ang kukuha, pero kasama pala kami sa picture! Oha! Ang ganda naman ng beauty namin, sa dami naman kasi ng girls dun eh kami talaga yung nilapitan... Nung naka-sunod na sa amin yung dalawa naming kasama, naisipan na namin bumili ng drinks, so kaming tatlo nauna na bumili, pero habang bumibili kami, shocks! Andun na naman yung tatlong Koreano at lumapit pa uli sa amin, at this time nakipag-kilala na sila at tinanong kami kung ok lang na mag-join sila sa inuman session namin. So kami naman, ok fine as long as dun kami iinom lahat sa pwesto namin sa tabing dagat. Walang problem sa kanila, bimili pa nga kami ng pulutan pero badtrip nung inaantay namin maluto yung binili namin, may epal lang naman, at bastusan ang gusto ata nun! Kung pwede nga lang ipukpok ko sa kanya yung hawak ko na beer eh! Lokong yun! Mas matino pa nga sa kanya yung mga Koreano, at least sila walang malisya at magalang. Bakit ba kung sino pa yung Pinoy eh sya pa yung bastos! Malunod sana yun!
Pagbalik namin sa tabing dagat, start na kami ng inuman session at kwentuhan, grab, thank God talaga at kasama namin yung pinsan ko, sanay kasi sya makipag-usap sa Koreans, nagtuturo kasi sya ng english language, kung hindi naku nosebleed ako!!! Mababait sila at medyo na-shock lang kami nung sinabi nila na mga students pa lang sila! Ang tangkad kasi nila at hindi talaga halata na student sila, too bad at wala kami picture kasama sila. Well, sa camera nila meron but sa cam namin wala... Sayang... Matagal din ang usapan at kwentuhan namin dun, kung hindi nga ata kami nagpaalam sa kanila malamang sikatan na kami ng araw dun, at medyo napapadami na rin kasi ang inum nila at bangag na din ako nun. Isang dahilan din pala ay may mga epal na din sa paligid, akala mo naman, ang ganda ng kanta nila pero the hell! Sarap ibato yung mga bote ng beer sa kanila! Grrrr!
Day 3: March 26, 2008
OK, this is our last day, pero hindi pa natapos ang adventures namin, nung morning after mag-almusal naisipan namin maligo uli sa beach, kahit medyo tirik na ang sikat ng araw that time, kasi naman 10 o'clock na yun, go pa din kami sa paliligo, kahit sunburn na ako nung first day pa lang ok lang, medyo hirap nga lang maligo kasi ang lakas na nung alon, natatangay na kami sa malalim, pero enjoy pa din! hehe... Nung umahon kami nag-bilad na lang kami uli sa araw, at nakita pa nga namin yung tatlong Korean na naka-inuman namin na pauwi na. Well, we just said goodbye to each other... After nun, nung medyo gutom na kami, bumalik na kami uli sa room at nagbanlaw na, para makapag-lunch na din. The heck naman sa kinainan namin ng lunch, super bagal nila! Yung drinks na inorder ko, ubos na bago dumating ang food namin! After lunch, may 1 hour pa kami before boarding sa boat kaya namili muna kami ng pasalubong, gusto ko nga sana mamili ng madaming pasalubong kaya lang parang not worth buying yung iba. Actually gusto ko nga bilihan ng pasalubong na shirt si Jao kaya lang nag-aalangan ako sa size. Hehe... Before 3:30pm nag-check out na kami at pumunta na sa boat, but before kami umakyat nag-picture taking muna kami for the last time.
Sarap ulitin ang bakasyong ito! Hopefully next time, kasama ko na si Jao... Hehe...
No comments:
Post a Comment