Super ganda ng araw na 'to para sa akin!!! Akalain mo yun, sa gitna ng pagiging busy ng schedule ko dahil sa orientation sa hospital nabigyan pa rin ako ng chance para mag-renew ng driver's license ko at naka-bisita din ako sa red cross. Biglaan naman kasi ang pagtawag sa akin ng UPHDMC, akala ko kasi talaga nung una rejected na ako sa kanila, hindi pa pala, kaya tuloy problema ko kung paano ako mag-re-renew ng mga dapat i-renew at hindi pa din ako nakakapag-paalam sa red cross na mag-wo-work na ako, kaya naman nung sinabi na wala kami pasok sa araw na ito, abot tenga nga naman ang ngiti ko! haha!
After ko ma-renew yung license ko, dumiretso na ako sa PNRC-NHQ, well, wala naman ako ginawa dun, bumisita lang ako para mag-paalam na din. Masaya ako nung dumating ako dun, kasi I never expected na makikita ko si Jao dun, akala ko kasi may turo sya, nakabalik na pala sya. Na-miss ko din naman sya, kasi naman 2 months kami hindi nagkita. Sa sobrang miss namin ang isa't isa, ayun, kahit bumabati pa ako ng good afternoon sa mga staff, ang higpit na ng yakap sa akin, hindi na nga ata yakap yun eh, sakal na eh! hehe.. Nung umakyat naman ako sa social hall para sabihin yung message dun sa mga instructors, andun din sya nakikipag-kwentuhan sa isa sa mga instructors, pero nung nakita ako aba, lumabas ng social hall at ayun kinulit naman ako, hindi pa nakuntento, kinuha ang kamay ko at hinawakan habang naglalakad kami! Kulit talaga! Kahit may staff sa harap, sige go pa rin! Nahihiya na nga ako eh... hehe... Nakakatuwa din yung kwentuhan ng mga volunteer at staff ng safety services, as in we laugh to the max talaga sa mga laughtrip nilang experiences, with re-enactment talaga yun!!! Haaaaaaay! Kelan ko kaya uli ma-e-experience ang mga ganun sa red cross??? Ma-mi-miss ko ng sobra ang mga duty at bonding moments namin sa red cross!!!
No comments:
Post a Comment