Hahaaaaay! Can't believe na nasa Emergency Response Unit (ERU) ng Red Cross na ako!!! First time ko mag-duty at 24 hours agad!!! Career!!! Hehe... I started my duty yesterday, March 7, '08 at 8am, and so far yung first 12 hours ko, hindi naman toxic, wala naman ako ginawa kundi mag-monitor lang sa radio just in case may emergency. Akala ko nga magkakaroon kami ng responde eh, kasi may na-monitor ako na sunog, pero naging fire under control na sya eh, kaya di na kami tumakbo sa area. Nakakaloka din ang first day ko, kasi nung kinahapunan na, nagpa-deploy sila ng mga ERU members na on duty sa Laguna, dahil sa outbreak ng typhoid fever at sa limang naka-duty that time 2 lang kami ang natira sa Red Cross NHQ dahil yung 3 ipinadala na dun, akala ko nga isasama din ako, kasi kelangan nila ng nurses dun ngayon, pero more more excuses ako! haha! Ayoko nga, possible 3 days daw magtatagal ang ipapadala dun, eh ang dala ko na gamit is good for overnight lang! kamusta naman yun!!! Nung natapos ang morning shift ko, medyo nakahinga ako ng maluwag kabado kasi ako, hindi ko alam mangyayari sa amin nung kasama ko kung nagkataon na may responde kami, hehe, pero may night shift pa, pero hindi naging mabigat ang night shift ko, 3 teams kasi kami nun. Yung first 4 hours namin, ang team 1 ang monitoring at kasama ako dun. Ako din ang na-assign sa medical just in case magkaroon ng responde, pero natapos ang oras namin na wala naman naging emergency, kaya naman after ng time namin, tulog talaga ako!!! Pagdating ng 5:30am nagpa-alarm na yung facilitator namin. It's time for our exercise na kasi, and that is still a part ng ERU every saturday. Supposed to be 6am dapat wala na kami sa NHQ at nasa Luneta na dapat pero past 6am na kami naka-alis, kaya sumakay na kaming lahat sa Ambulance papunta sa Luneta. Para kaming sardinas sa lood, 16 volunteers lang naman ang sumama! May nagsabi pa na para kaming nasa sauna.. Hahaha!!! Ang init kasi sa dami namin! Pagdating sa Luneta, syempre may konting briefing lang about sa mga upcoming events na sasalihan ng Red Cross, ang after nun, nag-start na kami ng exercise. It's a girl vs boys! Sakto na 8 girls at 8 boys kami! Nakakatuwa! hehe... After ng exercise, hindi pa yun tapos, as usual kasama sa exercise namin every saturday ang pagbubuhat ng stretcher na may load, at puro kami babae sa team namin! Girl power talaga! After ng stretcher, relay naman ang ginawa namin, this time pantay na, magkahalo na ang babae sa lalake. Grabe na relay yan! Ang layo ng tinakbo namin, pagdating pa sa dulo, iikot pa kami ng ka-team ko na magka-hawak ang kamay, ay grabe! Feeling ko tatalsik ako sa bilis ng ikot namin! Kaloka talaga!!! Pero sobrang nag-enjoy talaga ako!!!
No comments:
Post a Comment