2.24.2008

Toxic Ambulance Service

Eto na siguro ang isa sa mga toxic na ambulance service na nasamahan ko! 2:30am pa lang gising na ako at yung isang kasama ko, naligo na kami agad nun kasi 4am ang call time namin. Saktong 4am, umalis na kami sa NHQ, papunta sa Luneta kasi dun ang venue. Pagdating namin dun, wala pa yung mga organizers ng marathon, so tambay muna kami sa isang tabi, at sa gutom ko, nan-libre pa ako ng taho. Around 5am, pinapunta na kami sa station. Kasama namin sa station ang QC Chapter.

So far that time nakaka-tawa pa kami at todo pa sa biruan. Pero nung madami na ang tao at malapit na mag-start nagkaroon na kami ng patient pero just a small wound lang yun at hindi pa toxic, nung nag-start na ang marathon, at may mga naka-tapos na, ayan, simula na ang pagka-toxic namin! Habang naka-upo kami sa station nakita ko ang isang bata, kasama sya ng isang event volunteer, umiiyak sya, at nung natingnan na namin sya sa station, may suspected fracture sya sa right arm. So ang decision namin is to transport him sa hospital, pero missing pa ang kasama nya, pero nung nakita na namin ang kasama nya which is yung coach nya at tito nya dinala na namin sya sa Phil. Orthopedic Center (POC).

Pagbalik ko at nung mga kasama ko galing sa POC ayun, more patients pa rin sa station, mga nahilo, napagod, nagka-muscle cramps at kung anu-ano pang complain ang na-encounter namin. But the most toxic one siguro is yung isang runner na dinala sa station namin na disoriented. Na-toxic ako dun ha! Pinakuha kasi sa akin ang info about him sa mga event organizer pero kung saan-saan lang naman ako pinapunta, nagtuturuan sila! Haaaay! Nung nakuha na namin yung info sa kanya at nakita na namin ang kasama nya dinala na sya sa PGH nung mga kasama ko, kasama ang isang patient pa, so jampack sila that time sa ambulance! Haha! Init siguro ng ulo ng ambulance driver namin nun! Haha! Nung halos naka-dating na sa finish line ang mga runners, medyo naka-hinga na kami ng maluwag, may pailan-ilan pa na patient pero di na toxic. Nung around 11:00am at wala na kaming patient at nag-aantay na lang kami sa ambulance, lumabas na naman ang kakulitan ko. Asaran at kulitan kami nung ibang kasama ko sa station at picture taking pa kami. Super relieve talaga kami nung dumating na yung ambulance namin, dahil sa wakas makaka-balik na kami sa NHQ at makakatulog na din! Hehe... Sa NHQ ang haba ng tulog ko! Bagsak talaga!

No comments: