2.09.2008

Physical Training PNRC style...

Waaaaaaaah! Naiiyak ako sa sakit ng katawan ko ngayon!!! Sumama lang naman kasi ako sa physical training ng ERU members ng PNRC kaninang umaga. 5:30am pa lang gising na kaming lahat, pagdating ng 6am naka-assemble na kami sa parking lot, nung ok na ang lahat, nag-start na kami mag-jogging. Sobrang nakakahingal ang jogging namin, mag-mula Anda circle hanggang Quirino Grand Stand lang naman. Pagdating dun, walang pahinga talaga, nag-line up kami agad tapos nag-start ng exercise, habang nag-e-exercise kami feeling ko mag-co-collapse na ako sa sobrang pagod at gutom, gusto ko na nga talaga pumunta sa ambulance namin, at mag-pahinga dun, pero syempre ayoko naman maging spoiler lalo na't first time ko sumama sa exercise na yun. Buti na lang naka-hingi ako ng tubig kaya medyo naging ok yung feeling ko. Nakakatuwa din yung experience namin ngayon, medyo naging comedy kasi yung exercise naming yun dahil sa partner ko, nagkataon kasi na mataba yung naging partner ko kaya naman dun sa exercises na kelangan ng partner tawa kami ng tawa, hindi ko kasi sya kaya, niloloko tuloy ako nung facilitator namin, sabi nga sa akin sa next exercise daw magdala na ako ng tubular webbing (isang klase ng rope na ginagamit sa rope rescue) para hahatakin ko na lang daw sya. After nung exercises namin, sumunod agad yung practice sa pagbubuhat ng stretcher, at ang first patient namin yung mataba naming member. Supposed to be, 8-man carry ang gagawin namin, pero ang nangyari sa group namin, 6 lang ang nagawa, as in paulit-ulit kami sa pagbubuhat pero paiba-iba naman yun patient. Nung ako yung naging patient, grabe nahilo ako sa stretcher, sobrang maalog sya. After nun, sobrang na-relieve talaga ako, naka-survive kasi ako sa physical training namin ngayon! Natutuwa rin ako kasi, atleast may napatunayan na naman ako ngayon at may bagong experience uli! Hopefully next saturday makasama uli ako...

No comments: