Laugh trip moments sa birthday ni sis...
L-R: My sister, my friends namely Jimer, Ethylene, MJ (seated on the floor), and of course Me!!!
Our dog also joined us! hehe... February 10, 2008, we celebrated my sister's 20th birthday. Close friends lang ng sister ko ang pumunta pero kasama din sa invited ang close friends ko din, na halos ka-close na din ng sister ko, kasi naman since high school pa naman kilala na mga friends ko dito sa house namin. Super enjoy kaming lahat, kasi nagkaroon uli ng chance ang mga magba-barkada na mag-bonding. Kami ng friends ko kahit konti lang kami sa barkada super close talaga ang isa't isa, kaya naman everytime na magkakasama puro memorable ang moments, katulad na lang nung ginawa namin kahapon, naisipan kasi namin maglakad-lakad sa village namin, madilim na rin yun, kaya naman takutan ever ang drama naming apat! At si MJ, take note, sya lang ang lalaki sa amin absent kasi yung isang tropa, si Mel, ayun super takot hindi man sa multo pero sa ahas! Haha! Puro damuhan pa kasi yung paligid namin, kaya ang lakas ng imagination nya! Ang layo talaga ng narating namin, para maka-iwas lang sa damo, may shortcut naman kasi pero yun nga, damuhan ang kelangan daanan! Haha! Sakit ng tiyan namin sa tawa nun! Nung nakabalik na kami, pahinga konti tapos picture taking, pero hindi pa natapos ang tawanan, si Ethylene naman ang nagpatawa! Pinaglaruan lang naman ang payong ni Jimer na automatic, pag-open ni Ethylene, nagulat si Lucas, yung dog namin, as in kitang-kita namin ang kung paano sya nagulat, at nadulas pa! Di ko talaga makakalimutan yun!!! After ng tawanan namin, yung ibang bisita namin unti-unti na umaalis, so hinatid ko sa sakayan, pagkatapos ko maihatid joyride kami papunta sa house ni Mel, at dun kami nanggulo saglit. After nun nag-uwian na din mga friends ko. Haaaay! Memorable talaga!
No comments:
Post a Comment