Last April 24, naka-sched ako na mag-duty sa response unit namin, pero before ako pumunta dun pumasok muna ako sa review ko. After ng review dumaan muna ako sa agency ni mama then pumunta na sa office namin. Maaga ako dumating doon, 3 hours before ng duty ko andun na ako. Pagdating ko dun, syempre nag-greet ako sa mga tao dun, nagulat ako na yung taong special sa akin, eh nag-greet din, hindi naman nya kasi ginagawa yun pag pumupunta ako dun. Syempre as a sign of respect na din sa kanya, I greeted him back. Pero deep inside, very happy ako! hehe... After ng ilang minutong kwentuhan, nag-patawag ng initial meeting yung OIC ng response unit, madami sya sinabi sa amin regarding sa department namin, but yung meeting na yun is not really official, sa May na lang ata yung talagang meeting ng department. After nun, nag-uwian na ang mga staff sa office namin, pero si special one ko, eh duty din sa gabi, so magkasabay na naman kami sa duty.
Nung kinagabihan, around 7pm na ata yun, ayun, puro kami kalokohan, wala kasi kami TV, dahil nasira kwentuhan at asaran at kulitan ang ginawa. Yung isa co-volunteer ko, ang lakas mang-asar! Inaasar nya talaga kami ni bhebhe ko, gusto na nga banatan ni bhebhe ko yung volunteer na yun sa sobrang pang-aasar, natawa na lang tuloy kami nun. Nung dinner time na, ayun hindi ko malaman kung saan ako kakain at naghahanap din ako ng kasabay, nagkataon naman na si bhebhe ko nagpabili ng food nya, so nung time na kakain na sya, sinabi nung mga kasama ko na ako hindi pa daw kumakain, so inaya ako ni bhebhe na kumain, eh medyo nahihiya ako nun, kasi ako lang ang kakain at sya, kasi yung iba kumain na ng dinner, buti na lang sumabay sa amin na kumain yung isa pang volunteer, at pinagagalitan din ako ni bhebhe nung ayaw ko kumain, kaya ayun napilitan din ako kumain. hehe.. May dessert pa kami na pinya nun! hehe... After dinner namin, balik na naman sa dati, kwentuhan na naman! Wala din naman kasi kami namo-monitor na emergencies, kaya relax mode kami. Pagdating ng around 9pm, ayun, si bhebhe ko, naka-higa na sa sofa namin sa office, kasi naman, umaga pa sya duty kaya pagod na, pero ako na isang pasaway, halos kaka-start lang ng duty sumisimple na sa paghiga! haha! Ang aga nga namin magsitulog nun, wala pa ata 12 midnight lights off na kami, dati umaabot pa ng 2am gising pa kami. Ako at si bhebhe ko magkatabi na naka-tulog sa office nun. Ang sweet nga nun eh, kinumutan pa nya talaga ako, kahit may sweater na ako. Alam nya kasi na lamigin ako, hinawakan nya kamay ko tapos niyakap pa nya ako. How sweet naman talaga! Buti na lang tulog na mga kasama namin nung time na yun kundi lagot! haha!!! Nung morning naman, maaga kami nagising siguro 5am palang gising na kami pero hindi kami bumangon agad, nilalambing pa nya ako nun, kulit nga eh, ang gulo-gulo tapos akala ko babangon na, yun pala sisimple ng kiss sa akin. May morning kiss pa tuloy ako galing sa kanya. hehe... Nung gising na yung iba naming kasama, bumangon na din ako, sya natulog pa uli. Niloloko nga sya nung isang staff na dun din natulog, sarap daw ng buhay nya! haha! Tulog pa kasi nung nakita sya. Haha! Nung malapit na kami mag-out sa duty, sabi nya sa akin, kumain daw muna ako bago umuwi, ako naman pumayag na, baka pagalitan na naman ako. hehe... Nung umaga din na yun, dumating yung friend ko, may activity kasi na kasama sya, so pinag-almusal din muna namin sya dun. Nung around 10am na umuwi na kami nung kasama ko sa duty. Hindi ko lang alam kung kelan uli ako makaka-duty dun. Tagal na ako hindi naka-tikim ng responde. Hehe..
No comments:
Post a Comment