4.11.2009
My Good Friday Experience
Kakauwi ko lang ngayon galing sa duty, masaya ako kasi hindi ako nagkamali ng decision na mag-voluntary duty nung morning, supposed to be kasi evening lang ako naka-sched mag-duty pero buti na lang umaga pa lang nasa ERU na ako! Well, pagdating ko doon, I thought walang tao, kasi meron lakbay alalay ngayon, so inisip ko wala yung mga tao dun, pero nagulat ako na andun ang ambulance namin, at rescue van. Yun pala eh Friday lang sila walang schedule ng lakbay alalay. Well, nung morning, super boring ang mood sa office, siguro dahil walang pasok, wala kami magawa, puro kain at tulog ang nagawa namin, habang eto naman sila "bhebhe" ko, inaayos ang rescue van. Pero after lunch time, ayun, nagsimula na kaming may magawa, first, inutusan kami nung kasama ko na girl din, mag-prepare nung juice na dala ng isang volunteer, then, kumain na naman, haha! Then, nung nakita namin si "bhebhe" ko na naglalaba ng mga damit nya, kinulit namin sya nung kasama ko na kami na ang magtutuloy ng paglalaba nya, at maligo na sya para makapag-anchor na kami sa 3rd floor para makapag-practice na ng rappeling! Ayun, iniwan nya sa amin ang labahin at kami na nga ang nagtuloy. Haha! Eh di napadali na nga talaga, after nya maligo, nilabas na namin yung mga ropes, hardwares, helmets and harnesses na gagamitin. Natatawa naman ako kay "bhebhe" ko, kasi mukang excited sa rappeling, hindi pa kami naka-start mag-anchor naka-suot na sya ng harness nya! Haha! Tapos isinunod nya ako lagyan ng harness, grabe talaga oh! haha! Excited ang loko! After namin makumpleto yung mga gamit umakyat na kaming tatlo nila bhebhe at nung kasama ko, nag-start na kami mag-anchor, then sya yung nag-test jump, naalala ko tuloy yung time ng training namin, ako yung nag-test jump! haha! Yung first try ko kahapon, medyo ok sya, may picture pa nga ako, pero natakot pa din ako, ang tagal na kasi nung last time na ginawa ko yun, 2007 pa yung first and last ko na rappel. Nung second try ko na, pinalitan ni bhebhe ko yung rescue 8 (hardware) ko, pinagamit nya sa akin yung personal nya na rescue 8, ang loko, sa bilis nun, ayun hindi na-control pagbaba ko, bumaliktad ako at humampas sa pader, loko-loko din tong si bhebhe ko, tinawanan pa ako, pero ok lang sa akin yun, hindi naman ako napikon, siguro way din yun para alisin ang takot sa akin.. haha! Pero infairness, ako lang ang pinahiram nya nung hardware nya! hihi... After ng dalawang trials namin nung kasama ko na girl, yung action officer (AO) naman namin ang pinababa, tawa lang kami ng tawa kasi pinagtripan sya, binitin ba naman at ayaw sya pababain. Mga loko-loko talaga! After namin mag-rappel ayun, kainan naman ang inatupag! Haha! Parang wala lang din yung practice! haha! After ng dinner, as usual, nood tv, at ako naman nasa favorite na pwesto na, dun sa sofa namin! Aba, etong si bhebhe ko, dun din humiga sa sofa, ewan ko nga ba kung paano kami nag-kasya dalawa dun, sobrang ang hirap ng pwesto ko, hindi ako makastretch ng paa, ang gulo ko pa naman matulog, tapos nagugulat pa ako sa kanya pag nagigising sya or simpleng stretching lang ang ginagawa. Magulo din matulog! hehe.. Around 4am naman, bumangon na sya, at ako eh nagising na din, kasi naman may lakbay alalay pa sila, so pag bukas nila ng lights gising na din ako at nung umalis na sila dun lang uli ako nakabalik ng tulog. Bago naman ako umuwi natatawa pa ako sa nangyayari dun, nag-radyo kasi yung action officer namin kanila bhebhe about sa duty scheds, eh ang kulet nung AO namin, uminit ba naman ang ulo ni bhebhe ko, sabay nung time na yun nagda-drive pa sya papunta sa station nila. Tawa ng tawa kami nun sa radio room. Hay! Kung alam lang ni bhebhe ko na tinatawanan namin sya. After nun umuwi na din ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment