3.12.2009

Isang thursday na maganda...

So finally, tuloy na tuloy na ang pagre-review ko for IELTS, just this afternoon kasi, nag-enroll na ako sa review center somewhere in Manila. Well, natawa lang naman ako, kasi mas matagal pa byahe ko kaysa sa pag-stay ko sa review center! Haha! After ko mag-enroll, I decided to visit RC, and at the same time kuhain na din yung naiwan ko na USB flash disk sa ERU. So pagpunta ko dun, ayun, tahimik ang response unit, until ilang oras pa lang na naka-stay ako, ayun may na-monitor na kaming mga sunog sa kung saan-saan, merong isa sa Angono, Rizal at dalawa sa Caloocan. Niloloko tuloy ako ni bhebhe ko, kanina daw kasi na wala ako ang tahimik lang nila, nung dumating daw ako, ayun, may sunog na! Haha! Ang toxic ko talaga... Ganun ba talaga pag bumabalik sa RC, may kadikit na sunog! Pero kahit may mga sunog, hindi naman sila rumisponde. Natatawa lang din ako kay bhebhe ko, kasi dumating lang ako dun, ayun, naging sweet na naman, bigla ba naman nan-libre ng halo-halo, nung una, niloloko nya ako, manlilibre daw me ng halo-halo, pero sya naman ang naglabas ng pambili... Hehe... Tapos nung andun na yung halo-halo, dumating yung isang staff, eh, gusto din nya ng halo-halo, so yung kay bhebhe ko, inarbor nya, niloloko pa nga sya, kasi nagseselos daw ako, dahil binigay pa talaga sa kanya yung halo-halo ni bhebhe, pero sabi nung staff, sa kanya na lang daw yung halo-halo, sa akin na daw si bhebhe ko... Mga pasaway! Hehe... Pero nag-worry lang din me kay bhebhe, nung sinabi nya masama daw pakiramdam nya, 3 days na daw syang ganun... Malamang stressed na yun sa work. Wawa naman bhebhe ko... I'm so touch din naman sa kanya nung tinanong ko sa kanya kung paano pumunta sa may Sto. Domingo Church sa may QC, no second thoughts, binuklat nya ang map sa office namin at tinuruan ako... Awwww... Kaya tuloy lalo ko nagiging love yun eh... hehe... It will be a week again before we can see each other... Haiz!!!

No comments: