Last Friday, Mar.6, 2009, I was on duty again sa response unit namin. Well, so far so good ang duty, tahimik, wala kaming emergency situation na nirespondehan. Masaya din ang mood ko nung araw na yun, kasi syempre bukod sa hindi kami toxic, ka-duty ko din si ex-MU ko. Sabay pa nga kami nag-lunch nung araw na yun. After naman namin kumain ng lunch, ayun, inantok, at naka-tulog kami, si ex ko naka-tulog sa isang upuan habang naka-sandal sa pader, ako naman sa sofa nung office namin, nung nagising si ex ko, lumipat sa tabi ko at ginawang unan ang bag ko. Ako naman, antok pa ng konti, natulog uli, at hinayaan na lang si ex ko na mahiga sa tabi ko. Nung kinahapunan, sa labas ng office namin, nakatambay sya at yung isa nyang kasama, kumakain sila ng halo-halo, tapos lumabas ako, umupo ako kasama sila dun sa labas, aba, inalok ako ni ex ng halo-halo, sabi nya hati daw kami sa halo-halo nya! Syempre kilig ako nun pero hindi ko pinahalata... hehe... Ang sweet naman... After namin kumain ng halo-halo, ayun, tambay mode at monitoring na lang. Nakakatuwa nung hapon na, kasi ang dami ng tao sa office, so kwentuhan na kaming lahat, hindi na ako na-bored at inantok, hehe.. Nung gabi na at halos naka-uwi na lahat ng staff including si ex, masaya ang kwentuhan namin, biglang may pumasok sa office namin, phone call daw for me, akala ko nung una yung friend ko na tumawag din sa akin that day, may nakalimutan lang, yun pala si ex ko! Nagulat ako nung narinig ko boses nya, may nakalimutan pala sya sa office namin, so pinakisuyo nya sa akin yung patch nya na naka-sampay sa likod ng aircon ng office namin, of course ako naman walang alinlangan na ginawa ang pakisuyo nya. Natuwa lang ako, kasi sa dami namin dun, pwede naman yung isang kasama ko ang sabihan nya, ako pa talaga, kaya din nya ako tinawagan eh kasi hindi pala ako nag-rereply sa text nya, eh sa globe ko naman pala sya nag-text, hindi ko gamit yun that time. I'm so happy naman na may tiwala sya sa akin pagdating sa mga gamit nya... hehe...
No comments:
Post a Comment