Kahapon, nagkaroon ng activity ang mga fire volunteers for the celebration ng Fire Prevention Month. Nagkaroon sila ng competition, na ginawa sa may Mehan Garden sa Lawton, Manila. (Tama ba spelling ko nung name ng garden? hehe). Ang role ko sa activity na yun, is one of the judges, so medyo madali kasi ang titingnan lang namin is kung proper nga ba ang transfering method ng mga participants. Aba, nung nag-start ang competition, ayun ang daig pa namin ang nag-beach! Super bilad kami sa araw! Whew! Katirikan ng araw nag-ja-judge kami dun, ang tanging suot ko na protection lang is a cap! Kamusta naman yun? After 15 teams na dumaan sa akin ayun pahinga at kain na ang ginawa namin, pero after ng lunch namin, naka-monitor kami ng sunog sa may Sta. Cruz, Manila, nag-advice sa amin ang headquarters na kelangan ng manpower kasi 23rd floor ng isang residential unit ang nasusunog, so lahat ng member ng response unit pull out sa activity, it was so lucky lang talaga na lahat ng manpower na available that time eh tapos na sa role sa activity, kaya naman nung lumabas na ang ambulance galing sa headquarters namin inantay na lang namin sa Lawton, at nung dumating na, ayun, nagsisitakbo kaming lahat para maka-sampa agad sa ambulance. Natatawa lang kami, kasi ang kukulet namin habang pasampa sa ambu, ang sikip pa namin sa loob, dami kasi namin sinama sa response. After a few minutes, narating na namin ang location ng sunog, nag-initial assessment ang mga kasama ko habang naka-standby lang kami sa loob ng ambulance, nung ok na at wala naman casualty na reported, bumaba kami sa ambulance at pumunta sa mga kasamahan din namin na nasa kabilang brigade lang, ayun it's like a reunion. Haha!!! Ang gulo namin dun, thank God talaga at walang nasaktan sa sunog na yun. With matching picture taking pa kami sa fire truck ng brigada namin... hehe... Happy din ako kasi andun si ex, nahiya lang ako kasi ang dugyot ko tingnan nun dahil nga sa competition, after namin mag-response, bumalik na uli kami sa competition, at nagpahinga at kumain uli! hehe..
No comments:
Post a Comment