Two days ago, nasa NICU ako nag-duduty dahil sa ward puno na ng students and need din ng assistance ng staff sa NICU. Sobrang enjoy ako sa NICU kasi puro babies ang hawak namin. May isang baby dun na sobrang cute nya talaga, ang bait-bait nya hindi kasi sya pala-iyak except kung binibigay yung antibiotic nya thru IV na medyo mahapdi. Enjoy na enjoy ako mag-feed sa kanya, kasi naman ang cute nya talaga. Nakakatulog pa nga minsan habang on-going ang feeding ko sa kanya. Mahilig din mag-smile ang baby na yun, kaya naman nawawala ang pagod ko pag naka-smile na sya. Feeling ko tuloy anak ko sya. hehe... Sayang lang at hindi ko na sya makikita kasi pauwi na sya... Pero good for him kasi magaling na sya... Enjoy talaga ako sa NICU, bukod sa puro babies ang hawak mabait pa yung staff. Kung pwede lang dun na lang ako mag-duty lagi. hehe...
No comments:
Post a Comment