Kahapon, May 23, 2009, nagkaroon kami ng meeting at simultaneous exercise sa organization ko para sa ERU members. Late na ako nakarating pero hindi pa agad nag-start yung meeting. Pagdating ko dun syempre una ko hinanap si special someone ko, yun pala eh umuwi, nag-text ako sa kanya, nagbibihis na daw sya, masama pa nga pakiramdam nun eh. Nung time na din na yung nag-start na yung meeting pero while on going ang meeting namin, nag-advice sa amin na may aksidente daw sa labas ng building namin, syempre as emergency responders inactivate kami to check the scene, ang dami namin na naghanap sa pasyente, halos ikutin namin ang area, paano naman kasi etong guard namin eh hindi malinaw kung magbigay ng exact location. Nung nakita namin ang patient agad namin na nilapatan ng first aid management, hindi naman sya life threatening pero may open wound sa leg yung patient. After mabigyan ng management agad sya dinala sa hospital. Pagbalik namin sa office, habang nasa kalagitnaan ng meeting, may bagong advice na naman, may nag-collapse daw na structure sa Pasay, so naputol na naman ang meeting, luckily madami kami na umattend sa meeting, madami ang manpower. I was assigned sa medical while the others sa specialized area. Nung time din na yun, hinahanap na si special one ko, kelangan na kasi sya for the rescue van, so nag-text na ako sa kanya, on the way na din sya nun, pero while on his way naaksidente pala sya, dumulas yung motor nya dahil sa ginawa nya na pag-iwas sa biglang huminto na sasakyan sa harap nya, buti na lang hindi sya nasaktan kundi reresponde pa kami sa kanya.. Pagdating nya sa office, ayun, inayos na lahat ng gamit, then sampa na kami agad sa ambulance. Pagdating sa scene, ayun, hindi kami agad naka-engage, nag-survey muna ng scene pero wala na pala yung mga patient, dinala na daw sa hospital pero may naiwan dun sa loob na patay na. After nun, bumalik na din kami agad sa office at nag-grouping n for the activity. I was lucky to be assigned sa group 1 which is group ni special someone ko. Ang saya-saya nya! Si bhebhe ko ang tumayong TL ng group namin, pero before kami mag-start sa activity nag-lunch muna kami.
Pagkatapos ng lunch namin, nag-start na ang activity naming siguradong nakakapagod at hindi nga ako nagkamali, nakakapagod sya talaga. Pinakuha ang bawat group ng mga gamit galing sa rescue van at syempre, kami yung magagaan lang halos at useful ang kinuha. Si bhebhe ko na TL namin ang naglabas ng mga gamit kaya halos nakuha namin yung mga magagaan, pero mukang hindi pa din talaga magaan yun! haha! Nung ok na ang lahat, nag-formation na kami sa lobby, nag-instruct ang aming "Master", na kami ay mag-jojogging mula first floor hanggang fourth floor at gagapang sa ilalim ng mga silya sa lobby habang dala-dala yung mga gamit na kinuha namin. Syempre kami ang group 1, kami ang nag-lead ng jogging, si bhebhe ko ang nasa unahan ng line, sa first attempt namin, hapos mawalan na ako ng hininga sa pagod at bigat ng dala ko, buti na lang pagdating sa third floor may pahinga kami. Pagbaba namin sa front lobby, gumapang pa kami sa ilalim ng silya, nabatukan pa nga ako ni master dahil umangat ako, eh bawal pala yun.. Haha! After ng gapangan na yun, back to line uli kami at may bagong dagdag si master sa obstacle namin. This time pag sinabi naman nya na "down" kami ay dadapa no matter kung ano ang dala o kung saan ang pwesto namin. Inulit namin ang jogging paikot sa buong building, then pagdating namin sa hallway ng third floor sumigay na si master ng "DOWN!" Napadapa kaming lahat nun, ok din kasi kahit papaano naging resting time pero nung nakukuha ko na hininga ko dun naman kami pinatuloy na sa jogging pababa ng lobby at gagapang uli sa ilalim ng silya. After nun, ibang obstacle naman ang binigay, this time hindi na kami sa loob ng building, pinalabas na kami, at sakto, katirikan ng araw, nag-jogging kami papunta sa open area na katabi ng building namin. Grabe, parang magco-collapse na ako nung time na yun, dehydrated na ako at sobrang pagod na, hindi ko na nga mahabol sila bhebhe ko, lakad na nga lang ginawa ko, pinapasok pa kami sa isang lumang jeep dun habang dala-dala namin nga gamit, buti na lang kasama ko bhebhe ko, tinutulungan na nya ako, paglagpas namin sa lumang jeep, sa isang trailer naman kami pinasampa, eh ang taas nya, feeling ko hindi ko sya maakyat, gusto ko na sumuko nung time na yun, halos ako na nga yung huling umakyat, sobrang pale ko na nga daw, akala ko magpa-palagay na ako ng oxygen eh, pero buti na lang nakaya ko pa. After namin makababa sa trailer, nag-form kami ng line sa arawan, this time ang test namin ay basagin ang mga bricks gamit ang maso. Ang representative ng group namin is syempre si bhebhe ko, pero after ng guys, yung girls naman. Wala ako magawa dahil ako lang ang babae sa grupo ko, ginawa ko sya, pero katatawanan pa, kasi nagulat ako nung sinabi na babae ang gagawa nun. Mabuti na lang bhebhe ko ang pumili ng brick na babasagin, maganda ang nakuha nya, sya din nagturo sa akin kung paano humawak, pero nung binigay nya sa akin yung maso, para akong madadala sa bigat! haha! Buti na lang at nabasag ko yung brick sa tatlong beses ko na try. May blooper pa nga nangyari sa time na yun sa kabilang group eh, hindi kasi nabasag sa first try, nung sinabi sa kanya na isipin mo na lang si "ano" yan, aba sakto nabasag nya. Parang may galit dun sa tao at dinaan na lang sa bricks yung galit eh... After nun balik na kami sa loob ng building namin for rest and preparation sa final task. Sobrang namumutla na daw ako nung time na yun, si bhebhe ko nasa labas pa lang kami tanong ng tanong kung ok pa daw ako, nung naka-inom ako ng water medyo bumalik na kulay ko.
Sa lobby, after ng obstacle namin, nag-rest kami at tinuruan na kaming mga hindi pa masyado familiar sa equipment dahil susunod na yung mas madugo na task. Si bhebhe ko, tinuruan nya kami sa CSBA kung paano ba yun ginagamit, isa-isa nya pina-try sa amin then, tinuro nya din sa ibang group yun. After ng familiarization sa equipment, nag-prepare na kami sa next task, this time extrication na ng victim. Na-assigned ako sa medical, tapos sila bhebhe ko ang sa specialized, within 15 mins, dapat mailabas ang victim sa isang collapse structure. Grabe naman sa hirap ang task na yun kahit hindi ako kasama sa nag-e-extricate. Kasi naman batuhan ang gagapangan nila, buti na lang yung victim hindi masyado mabigat. Luckily pasok kami sa time na binigay. After nung task, pahinga mode at picture taking na kami, the whole group namin nagpa-pic at ako ang muse nila! wahaha! wala sila magagawa eh ako lang girl nila. hehe... After nun, nakipag-laro na lang ako sa pamangkin nung friend ko na pumunta dun, ang cute cute talaga ng batang yun! After na matapos ang whole activity, sumunod na ang fave ng lahat, kainan! haha! Grabe yung puto na binigay sa amin, parang dinaanan ng bagyo! haha!!! After ng kainan may maiksing discussion sa amin about sa AH1N1 then uwian na. Nakakatawa ako nung time na yun, kasi nagpalit ako ng damit, yung pants na baon ko, medyo bitin so I had to remove the lower part, convertible kasi sya, umuwi ako naka-shorts, nagulat nga si bhebhe ko, kasi nakita nya ako naka-shorts. hehe... Care ko naman kung makita nya ako na naka-ganun. hehe..
Ayan lang ang ilang mga bagay na ginawa namin sa buong araw. First time ko sumama sa activity na yun, hindi ko din alam kung paano ako naka-survive dun, imagine 3 hours lang tulog ko, dahil nag-inuman pa kami the night before. Pati pala bhebhe ko uminom the night before, so ibig sabihin hindi man kami magkasama the night before pero sabay kami umiinom! haha! What a coincidence!!! Sana maulit uli ang experience na ito.. Kahit pagod kami, masaya naman!
No comments:
Post a Comment