Eto na siguro ang isa sa mga toxic na ambulance service na nasamahan ko! 2:30am pa lang gising na ako at yung isang kasama ko, naligo na kami agad nun kasi 4am ang call time namin. Saktong 4am, umalis na kami sa NHQ, papunta sa Luneta kasi dun ang venue. Pagdating namin dun, wala pa yung mga organizers ng marathon, so tambay muna kami sa isang tabi, at sa gutom ko, nan-libre pa ako ng taho. Around 5am, pinapunta na kami sa station. Kasama namin sa station ang QC Chapter.
So far that time nakaka-tawa pa kami at todo pa sa biruan. Pero nung madami na ang tao at malapit na mag-start nagkaroon na kami ng patient pero just a small wound lang yun at hindi pa toxic, nung nag-start na ang marathon, at may mga naka-tapos na, ayan, simula na ang pagka-toxic namin! Habang naka-upo kami sa station nakita ko ang isang bata, kasama sya ng isang event volunteer, umiiyak sya, at nung natingnan na namin sya sa station, may suspected fracture sya sa right arm. So ang decision namin is to transport him sa hospital, pero missing pa ang kasama nya, pero nung nakita na namin ang kasama nya which is yung coach nya at tito nya dinala na namin sya sa Phil. Orthopedic Center (POC).
Pagbalik ko at nung mga kasama ko galing sa POC ayun, more patients pa rin sa station, mga nahilo, napagod, nagka-muscle cramps at kung anu-ano pang complain ang na-encounter namin. But the most toxic one siguro is yung isang runner na dinala sa station namin na disoriented. Na-toxic ako dun ha! Pinakuha kasi sa akin ang info about him sa mga event organizer pero kung saan-saan lang naman ako pinapunta, nagtuturuan sila! Haaaay! Nung nakuha na namin yung info sa kanya at nakita na namin ang kasama nya dinala na sya sa PGH nung mga kasama ko, kasama ang isang patient pa, so jampack sila that time sa ambulance! Haha! Init siguro ng ulo ng ambulance driver namin nun! Haha! Nung halos naka-dating na sa finish line ang mga runners, medyo naka-hinga na kami ng maluwag, may pailan-ilan pa na patient pero di na toxic. Nung around 11:00am at wala na kaming patient at nag-aantay na lang kami sa ambulance, lumabas na naman ang kakulitan ko. Asaran at kulitan kami nung ibang kasama ko sa station at picture taking pa kami. Super relieve talaga kami nung dumating na yung ambulance namin, dahil sa wakas makaka-balik na kami sa NHQ at makakatulog na din! Hehe... Sa NHQ ang haba ng tulog ko! Bagsak talaga!
2.24.2008
2.22.2008
2.21.2008
Blessing from God
I'm so happy today!!! Naka-pasa na kasi sa wakas ang mga friends ko na nag-take ng Nursing board exam last December 2007. Colleagues na kami!!!
Still in-love to him?
Haaaaaaay!!!!!! Pag-ibig nga naman!!! J.M. akala ko hindi na kita maaalala, akala ko kaibigan na lang ang tingin ko sa 'yo ngayon pero bakit bumabalik ka na naman sa isipan ko? Sign pa rin ba ito na may feelings pa din ako sa 'yo??? Alam ko na dapat kalimutan na kita, dahil alam ko na kaibigan lang naman talaga ang turing mo sa akin, at kahit kailan hinding-hindi mo ako ituturing na mas higit pa sa isang kaibigan. Aaaaaaaaaaargggggggggggggggggggghhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!! Ayoko na umiyak na naman dahil sa iyo!!!
2.11.2008
Laugh trip moments sa birthday ni sis...
Our dog also joined us! hehe...
2.09.2008
Physical Training PNRC style...
Waaaaaaaah! Naiiyak ako sa sakit ng katawan ko ngayon!!! Sumama lang naman kasi ako sa physical training ng ERU members ng PNRC kaninang umaga. 5:30am pa lang gising na kaming lahat, pagdating ng 6am naka-assemble na kami sa parking lot, nung ok na ang lahat, nag-start na kami mag-jogging. Sobrang nakakahingal ang jogging namin, mag-mula Anda circle hanggang Quirino Grand Stand lang naman. Pagdating dun, walang pahinga talaga, nag-line up kami agad tapos nag-start ng exercise, habang nag-e-exercise kami feeling ko mag-co-collapse na ako sa sobrang pagod at gutom, gusto ko na nga talaga pumunta sa ambulance namin, at mag-pahinga dun, pero syempre ayoko naman maging spoiler lalo na't first time ko sumama sa exercise na yun. Buti na lang naka-hingi ako ng tubig kaya medyo naging ok yung feeling ko. Nakakatuwa din yung experience namin ngayon, medyo naging comedy kasi yung exercise naming yun dahil sa partner ko, nagkataon kasi na mataba yung naging partner ko kaya naman dun sa exercises na kelangan ng partner tawa kami ng tawa, hindi ko kasi sya kaya, niloloko tuloy ako nung facilitator namin, sabi nga sa akin sa next exercise daw magdala na ako ng tubular webbing (isang klase ng rope na ginagamit sa rope rescue) para hahatakin ko na lang daw sya. After nung exercises namin, sumunod agad yung practice sa pagbubuhat ng stretcher, at ang first patient namin yung mataba naming member. Supposed to be, 8-man carry ang gagawin namin, pero ang nangyari sa group namin, 6 lang ang nagawa, as in paulit-ulit kami sa pagbubuhat pero paiba-iba naman yun patient. Nung ako yung naging patient, grabe nahilo ako sa stretcher, sobrang maalog sya. After nun, sobrang na-relieve talaga ako, naka-survive kasi ako sa physical training namin ngayon! Natutuwa rin ako kasi, atleast may napatunayan na naman ako ngayon at may bagong experience uli! Hopefully next saturday makasama uli ako...
2.06.2008
Pa-epal kasi!!!
Haaaay! I hate my duty today in RC!!! May isang epal kasi sa office! Hindi naman kasi kinaka-usap ume-epal pa! Ang ayos ng pagtatanong ko sa isang staff about sa ambulance service tomorrow, bigla ba naman mambabara! Eh ano naman ngayon kung magtanong ako about sa details ng ambu service, kung bawal man, i'm sorry hindi ko kasi alam, pero hindi naman kasi nagalit sa akin yung staff nung nagtanong ako kaya ok lang sa akin, at isa pa, as if naman tatanggihan ko yung ambu service lalo na wala naman ako importanteng gagawin tom, hindi naman ako katulad nila na namimili ng ambulance service! Pasalamat pa nga sya at yung mga kasama nya hindi ko na sila sinumbong na nagrereklamo sila na masyado maaga yung time ng ambu service. Haaaay naku! Parang hindi nag-aral ng values! Grrrrr!!! Buti na lang napigilan ko sarili ko at hindi ko sya sinagot sa harap nung staff!
Subscribe to:
Posts (Atom)