11.27.2008

Hoping for the second climb...

This coming second week of December may plan na naman kami na umakyat ng bundok, pero this time sa may Batangas naman, yung Mt. Daguldul. Hopefully matuloy sya, kasi sabi nila maganda daw dun, kasi hindi lang bundok ang meron, sa jump-off area pa lang may beach na sasalubong na sa mga mountaineers. Sana lang kung matutuloy sya, eh kasama uli si "A", para naman masaya ang climb, and at the same time magkasama naman kami, kasi naman bihira na kami magkasama ngayon, tsaka ang sarap din ng feeling na habang naglalakad kami sa trail eh, magka-hawak pa kami ng kamay at choice pa namin kung kami ang sweeper, meaning kami ang nasa pinakahulihan... hehe... Wish ko lang talaga matuloy, kasi naman, baka eto na ang last climb ko with him, he's planning to resign na kasi sa work and at the same time, ako naman eh, kelangan na din umpisahan ang mga review na dapat kong kunin, so super liit na ng chance namin na magkasama pa uli sa mga fun climbs at mga gala...huhu...

11.19.2008

My first climb with him...

Last Nov.8-9, 2008, umakyat kami ng bundok sa Famy, Laguna. Second time ko na umakyat ng bundok, pero first time ko na makasama sa grupo ng mountaineers. Syempre sa fun climb namin na yun, kasama si special someone ko. Akala ko nga hindi makakasama yun, kasi ang sabi nila kahit na malapit na sya dun sa Famy, baka tamarin na daw bumangon. So that early morning ng Nov.8, talagang nag-text ako at ginising ko sya! hehe... Isang pasaway ako. So after namin mag-breakfast, umakyat na kami kahit wala pa sya, pero siguro mga 30minutes pa lang ang pagitan ng akyat namin, nahabol na nya kami. O di ba! Sanay ba! hehe.. So nung nagkita-kita na kami, syempre, kaming dalawa ang sweeper, meaning kami ang nasa hulihan! haha! Pero talagang mahuhuli kami kahit anong mangyari, kasi mabagal ako! haha! Ayun, habang naglalakad, todo alalay sya sa akin, holding hands pa ang drama namin! hehe... Medyo ilang pa nga ako humawak sa kamay nya, pero nung mga times na nadudulas na ako dahil sa muddy na trail, ay naku, ayaw ko na bumitaw sa kamay nya! haha! More more dulas ang lola nyo dun, buti na lang andun sya para umalalay sa akin. Super thankful din ako sa kanya nung paakyat na kami sa pinakamahirap na trail para sa akin, nadulas lang naman ako, at semi split pa yun, with matching sprained ankle, akala ko nga madudulas ako pabalik sa baba pero andun sya para hawakan ako at alalayan paakyat, kaya ayun, caught on camera ang holding hands namin! wahahaha!

Pagdating namin sa camp site, what a relief! Ang sarap ng tubig sa ilog! More tampisaw talaga kami dun, tapos after ng lunch time, tulog ang ginawa namin, at nung hapon, pumunta naman kami sa Buruwisan Falls. Touch naman ako sa kanya, kasi kahit alam na nya na nahihilo na sya kasi naman, uminom sila, eh sumama pa sya sa amin, just to take care of me! Raaaah! Haba ng hair ko nun! hehe... Super alalay sya sa akin habang nababa kami sa napaka-kitid at dulas na trail. Ang sweet nga eh, sya kasi nasa harap ko, tapos habang nag-aantay kami na makababa yung nasa unahan namin, stop muna kami, at gusto nya hug ko muna sya. PDA! haha! Pero syempre, wholesome dapat. Haha! Nung nakababa na kami, ayun, todo alalay naman sya sa akin sa pagtawid sa mga bato, actually, nadulas na naman ako, at nagka-pasa sa binti, grabe ang concern nya sa akin that time, talagang tanong nya sa kin kung nasaktan ba ako... Syempre sabi ko ok naman ako.. hehe..

Pagdating namin mismo sa falls, wow! Grabe, ang ganda nya! More pictures talaga kami! Puro kalokohan na din kami dun! haha! Tanggal ang pagod namin sa pag-akyat baba sa bundok! hehe... After namin maligo sa falls, ayun, banlawan at dinner time! After dinner, nagsitulog agad kami dahil sa pagod! The next morning, maaga nagising ang grupo, nag-breakfast lang kami at inayos ang gamit, then around 9 am that day, nag-start na kami bumaba ng bundok. Syempre, kami na naman ang mag-kasabay sa lakaran, more assist sya sa akin... Hehe... Eto ang pinaka-exciting na part ng trekking, nung pababa na kami sa madulas na trail ng bundok kung saan ako na-sprain yung ankle ko, more dulas na naman ako, pero andun sya para hawakan ako, yung iba naming kasama, more dulas din, pero yung isa naming kasama talaga ang pinaka-nakakatawa sa lahat, maingat sya na bumababa, pero nung nadulas sya at hindi na nya ma-control, ayun, napatakbo pababa at dumiretso lang naman sa puno ng bayabas. Tawa kami ng tawa nun, talagang umiyak ako sa tawa. After nun, ayun parang walang nangyari, uminom na lang kami ng buko juice. hehe... Tapos lakad uli hanggang sa ulanin na kami, concern pa nga sya sa akin nun, kasi baka mabasa ako, pero ok lang, pareho kami. hehe.. Ayun diretso lang kami sa lakad hanggang sa makarating sa jump-off area. Kakatawa pa nga yung iba naming kasama sa climb na babae, kasi everytime na madudulas sila sumisigaw, eh nagkataon na parang nagsasagutan pa sila sa pagsigaw, katawa talaga yun! Hay naku! Memorable talaga ang climb na yun... The best ang experience! haha!

10.13.2008

Malungkot!

I miss my hun... I miss being with him, I miss having some great time with him! Kahit may samaan minsan ng loob miss ko pa din sya. I miss his hug and care whenever we're together. Kelan ko kaya uli mararanasan ang mga yun? Sana magkita na uli kami...

10.09.2008

What a sweet night!

Ang saya ng duty ko! Kahit straight ng 24 hours duty ko, ok lang. Hindi ako nagsisi na nag-straight ako kasi naman, kahit sablay ang team leader namin, wala naman kami takbo, at isa pa, yung ka-duty ko na trainee din eh, super kulet! Kaya naman hindi kami na-bored except nung pagdating na ng around 11pm, tinatamaan na ako ng antok nun, kaya naman kahit nakahiga si bhebhe ko sa sofa ay talagang humiga na din ako. Medyo aware pa naman ako sa paligid, medyo naririnig ko pa na inaasar na kami ni bhebhe ko, pero hindi pa din ako bumangon. Nung naramdaman ko na I need to go to the restroom dun lang ako bumangon pero bumangon din pala si bhebhe para kumuha ng blanket, pagbalik ko sa office, ayun higa uli ako sa may bandang hita nya. Nung naramdaman nya na nilalamig ako, kinumutan nya ako. Ang sweet ha! Hehe, pero ok lang kahit may nakakita man nun, lamig eh, hehe... Nung nag-lights out ayun, pinatabi na nya ako sa tabi nya talaga. Syempre malamig at di ko na talaga kaya ang lamig ng aircon na nakatutok naman talaga sa amin kaya no second thoughts tabi talaga ako sa kanya at nagtalukbong! Haha! Super sarap na ng tulog ko sana kaya lang sa lamig at uncomfortable na pwesto namin plus yung dalawang ka-duty ko din na hindi natulog, grabe ang ingay, nagigising din ako. Around 5:30am nagising na kaming dalawa at natatawa din ako sa amin, kasi nagka-untugan pa kami. hehe... Ayun, bumangon na ako pagbangon nya at nagsiligo na kaming mga naka-duty. Grabe, di ko akalain na makakatulog kaming dalawa na magkatabi at sa office pa kung san may nakakakita talaga! Hehe...

10.01.2008

I miss him!

It's been a week since we last saw each other, and it's really hard to be apart even just for a short time. He's in the province right now for a mission and honestly, I really miss him so much! I know he's very busy that he seldom texts me. I hope he'll come back here in Manila by this week. I miss the way he cares for me whenever we're together. Those simple and small things that he does for me really means a lot to me. Oh, I wish I could say these things to him...

9.21.2008

So confused!

Oh my gosh! I just can't believe what he did to me... He kissed me on the lips!!! And now he wants to do it again! I don't want it to happen again! I'm already confused with my feelings towards him before he kissed me and now that he kissed me, I got more confused!!! I don't what to do now!!! I have so many questions in my mind that are left unanswered! Is he really serious with me or just playing games!!! What should I do now???

8.18.2008

Can't get over with him!

Grabe na 'to! After what happened to us (Mr."A), hindi ko na maalis sa isip ko yung mga nangyari! Hindi ko na din makalimutan yung mga sinabi nya sa akin na hinahanap-hanap nya daw ako! Shaks naman oh!!! Naguguluhan na tuloy ako sa nararamdaman ko! Di ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o matutuwa!!! Siguro kung pumayag din ako na halikan nya, hala! Baka lalo ako hindi na mapakali at hindi na talaga makatulog ng maayos sa gabi! Waaaaah! Parang nahuhulog na nga din ang loob ko sa kanya, pero alam ko na hinde pwede yun! Bakit ba ganito! Sa kanya ko lang naramdaman yung para bang may butterflies in the stomach everytime na magkasama kami! Waaaaaah!!! Shaks naman oh! Hay naku! "A" please, tantanan mo na ako! Pano ba kita maaalis sa isipan ko!

8.17.2008

Shocking 'to!!!

Araw ng SONA, nagkataon na on duty ako that time, since more than 12 hours na ako walang tulog na maayos sa araw na yun, naisipan ko na umidlip muna sa quarters ng office namin, since wala ako matulugan naisipan ko na makihiga muna sa higaan ni Mr' "A", and nung time na yun busy silang lahat sa panonood ng movie sa quarters namin, so ako deadma naman sa ingay nila basta matutulog na lang ako, pero si Mr. "A" na may-ari ng higaan, tumabi sa akin, so ako naman, wala lang tuloy pa din ako sa pagtulog ko. Ilang minuto ang nakalipas, naramdaman nya na nilalamig na ako that time, kasi naman ang lakas ng aircon at jacket lang ang meron ako at hindi naman yun enough para hindi ako lamigin, so ang ginawa ni Mr. "A", tumalikod sya sa akin at sinabi nya na tumalikod din ako sa kanya at idikit ko yung likod ko sa likod nya, para magkaroon ba ng transfer ng body heat. So ako naman sige lang, since wala naman masama dun at malamig talaga that time! As in putla na ng kamay ko sa lamig! Nung mga oras na yun, panay ang tanong nya sa akin kung nilalamig pa ako, tapos pinahiram pa nya sa akin yung bandana nya para gawing kumot, tapos kinuha nya ang kamay ko na sobrang lamig that time para mawala yung lamig pero ang nangyari eh, mukang lalo akong nilamig sa ginawa nya! Haha! That time, talagang increase in heart beat ang lola mo! Medyo may kilig na na-feel at may takot at the same time! Haler! First time lang na may humawak sa kamay ko na as in mahigpit! Eto pa mas malupet! Sabi nya sa akin, yumakap daw ako sa kanya, ako naman ewan ko ba kung ano pumasok sa utak ko at napayakap naman ako sa kanya! Shet talaga! Ang init ng katawan nya at na-feel ko na parang secured ako that time, pero natakot ako nung time na yun na may pumasok sa quarters namin at kinausap sya at mukang nahalata na may katabi sya na girl! Haha! Ako naman more tago ng muka, as in talukbong mode ako at sabay tanggal ng kamay sa kanya! Haha! Buti na lang at hindi kami nabuking kundi patay kami! Mahaba din ang pagkakatulog ko nung hapong iyon.
Nung gabi naman, mas malupet, kami pa din ang magkatabi gawa ng sobrang dami namin that time sa quarters at hindi na ako makalipat sa tabi ng ate ko dun. So since 3 kami magkakatabi nung gabi na yun sabi ko, "ok lang 'to". Nung gabing yun hindi pa din sila napagod sa kanonood ng dvd, marathon talaga ang ginawa nila, ako naman nakinood din habang nakahiga sa tabi ni Mr."A", pero sa antok ko ayun nakatulog na din ako sa tabi nya uli. That night, naku! Unexpected talaga ang nangyari! Nakita nya na nilalamig uli ako at jacket lang uli ang meron ako, ang ginawa nya, kumuha sya ng sleeping bag at ikinumot nya sa akin! Shet! Ang lola mo! Kilig naman! Haha! Pero na-shock din ako sa sumunod! Nung tulog na ang lahat, nagising ako sa tawag nya, kinausap nya ako, sabi nya ang haba daw ng tulog ko nung hapon tapos tinanong nya ako kung nilalamig pa ba ako sabi ko hindi na masyado at yung sumunod ay tinanong nya ako kung pwede ba daw nya ako halikan! Shaks! Ang lola mo, super shock! Sabi ko ayaw ko, tinanong nya ako kung may bf na ba ako sabi ko wala, at basta ayaw ko muna pahalik sa kanya! At nirespeto naman nya yung sinabi ko, hindi na nya ako kinulit pero, hindi pa din natigil yung pag-hawak nya sa kamay ko. As in first time ko natulog ng mahaba na may nakahawak sa kamay ko! Eh medyo magulo ako matulog that time, so paikot-ikot ako sa higaan ko, naramdaman ko na yumakap sya sa akin kahit nakatalikod ako sa kanya! Shaks!!! Grabe! Sobrang hindi ko naintindihan ang naramdaman ko sa kanya that time! Mixed emotions talaga ako nun! Pagdating nung umaga, nag-out na ako sa duty, pero hindi ako mapakali nung umuwi ako sa bahay, nung paalis ako sa office namin, nakatingin sya sa akin habang pauwi ako, ako naman, medyo nahiya sa kanya...

8.06.2008

Pasaway moments ko sa birthday ni Chairman!

Ok, kahapon nasa NBC tent kami for the birthday celebration ni Chairman. Assigned ako sa medical team, so maaga pa lang pinapunta na kami sa NHQ, at kamusta naman dun, akala namin maaga kami aalis, alangya! Inabot pa kami ng lunchtime sa NHQ. Hanep talaga! Kaya naman ang lola nyo, bago makarating sa location hagard look na! After namin mag-lunch sa headquarters, pumunta na kami, sa Medic 2 ako sumakay kasama ang team members ko, grabe, kaloka ha! Habang papunta kami, more asaran ang nangyari, at muntik na ako mapikon, buti na lang na-control ko sarili ko! Pero kahit medyo asar ako nung time na yun, medyo nagkatawanan pa din kami, kasi naman, etong delta(driver) namin eh biglang nag-break nung inabutan sya ng red light sa stoplight, sa bilis ng takbo at biglang break nya, ayun, sumubsob lang naman kami sa loob ng ambulance. Yung isang kasama namin, napasubsob talaga sa likod nung TL namin na naka-upo sa tabi ng driver's seat! Kung hindi nga lang ako nasalo nun, siguro nasubsob naman ako sa sahig! Grabe talaga yun! Pagdating naman namin sa location, ayun, tambay mode ng konti sa ambu, re-touch ng konti, tapos nag-set up na ng station. Grabe ang pagod namin at gutom nun, tapos ang dinner namin 5pm ng hapon at chicken at rice lang, wala pang spoon and fork! Pero carry naman, ganun talaga sa PNRC. Pagtapos ng dinner, ayun, nagbihis na kami ng uniform namin, at syempre nagpaganda, papatalo ba naman kami sa mga usherettes! Hehe... At around 6pm, ayan nagsisipagdatingan na ang mga bwisita este bisita pala. Puro politicians ang nakita ko, well, expected naman... Nung time na yun, umiral ang pagiging pasaway at madiskarte namin, sa gutom uli namin, pati yung appetizers na para sa mga bisita pinatulan namin, yung ibang staff ng PNRC, kumukuha para sa amin tapos tatawagin namin yung ibang kasama namin na ushers at usherettes para kumain sa station, tapos kami pasimple na kumukuha ng drinks, we just make sure na hindi kita yung logo ng PNRC sa damit namin! Haha! Kulit talaga, pero di ako natuwa sa food, palibhasa hindi ako masyado sa food na pangmayaman! haha! joke!

Nung nag-start na ang program, ayun, nagsimula na kami ma-bored sa station, kaya naman kung anu-ano na ang ginagawa namin dun, andyan ang rotation sa pag-ikot sa loob, paglabas sa tent, etc... Ako lagi dahilan ang CR pero sa totoo lang, napunta ako sa mga kasamahan namin na nasa tabi ng stage, andun kasi yung ambulance at fire truck na pinasok sa loob, natambay at kwentuhan kami kahit saglit lang... Kagalit nga lang din doon kasi naman sobrang lakas ng aircon, parang galit sila sa init at kelangan full blast ang aircons! Nung time din na yun, medyo ilang ako, kasi andun si "A" at hindi pa kami masyado nagpapansinan since nung inaway ko sya sa text dahil sa ginawa nya sa akin, pero nung bandang huli, sya na rin ang kumausap sa akin which is sign na ok na kami. Nakikipag-biruan na din sya uli sa akin, at ganun din naman ako, past is past na naman kasi... At around 10pm na, medyo ramdam na namin ang gutom talaga, hindi na ako at yung kasama ko naka-tiis, pumasok na kami at kumuha na ng food sa buffet table kahit konti na lang yung food. Doon nga ako kumain sa may fire truck habang nakikipag-kwentuhan tapos kumuha pa kami ng San Mig Lights na dapat iinumin namin pagbalik sa NHQ, pero mga natakot! haha! Inuutusan pa nga namin yung iba naming kasama na lalake na kumuha eh pero wala din sila guts! haha! Takot kami ma-boldyak! After ko kumain, nag-kwentuhan na kami nung ate ko dun kasama si "A", niloloko nya ako, na nilalamig na naman ako! Eh malamig naman talaga! Gusto ko na nga hiramin yung jacket na pangbumbero na suot nya eh. Dapat nga din hihiramin ko jacket nya na nasa rescue van namin, pero baka maghinala yung mga tao na andun... Nung nagkukwentuhan kami sa fire truck that time, yun na din yung time na si Chairman, magbo-blow na ng candle, so kami, baba lahat sa truck at nanood na. Habang nanood napatanong ako kung ilang taon na si Chairman, aba si "A" pupunta ba naman kay Chairman at tatanungin, sa takot ko na totohanin nya, hinatak ko nga sya pabalik sa pwesto nya. Natatawa din ako dun kay "A", may forward text din kasi ako sa kanya, aba, hindi binasa ng buo yung message, at nag-reply talaga sa akin, kung ano ba daw yun! Tawa ako ng tawa nun! Sabi ko "tapusin mo yung message!" Pasaway! After nung candle blowing ni chairman ayun, medyo nagpack up na kami paunti-unti... Tapos nung wala na masyado bisita, isa-isa na kami umalis, pabalik sa NHQ.

5.24.2008

McDonalds Kiddie Crewlympics Experience

After ilang months, ngayon na lang uli ako nakapag-ambulance service. Na-assign ako sa Starcity for the McDonalds Kiddie Crewlympics, at sa first team ako kasama. 8am ang call time namin sa Starcity, so around 7am nasa Red Cross na ako. Before 8am, umalis na kami ng teammates ko sa Red Cross at on-time naman kami dumating. Pagdating namin dun, wala lang, umupo lang kami saglit, kwentuhan ng konti bago kumain ng breakfast. Sakto talaga yung breakfast namin, kasi naman ala me kinain bago ako umalis sa bahay. Hindi pa nagtatagal yung stay namin sa station, ayan may patient na agad, pero BP take-up lang naman yun. Nung nag-start na yung event, ayun medyo dumami yung mga naging patient namin, karamihan mga kids na nasugatan o nahihilo, isama mo na dyan ang mga mommy ng mga kids na masasakit ang ulo. Mainit naman kasi ang panahon kaya madami kaming patients... Kahit maiinit ang panahon kanina ok lang sa akin, dahil super increase talaga ang fluid intake ko! More juice and water kami sa station! Haha! Lalo na yung Aero Med na kasama namin, super dami nilang juice! Isang plastic na nga ata yung naipon nila eh... hehe... Infairness, cute yung isa sa kanila huh! raaaah! After lunchtime, nag-change station na kami nung ibang teams. Every 2 hours ang rotation namin, so habang nag-aantay kami mag-rotate wala lang kami sa station, lamon, kwentuhan, roving ang isa sa amin, text ng text, assist sa mga patients na kelangan ng first aid (natural! kaya nga kami andun eh.. hehe). Nung last rotation ng team 1 which is kami yun, bago kami bumalik sa original station namin sa labas ng starcity, aba, na-toxic pa kami sa isang patient. Nahihilo kasi sya, so advice namin sa kanya, mag-rest muna, tapos nung medyo naging ok na sya, umalis na sila, tapos maya-maya dumating sa station yung kasama nya, humihingi ng plastic, nasusuka daw kasi sya, so ako naman, pumunta dun sa patient, so advice ko eh, i-check yung BP nya, pero yung kasama ko na ang kumuha ng BP at pinag-bantay ako ng station. Nakita ko din from the station na mukang toxic kami sa patient na yun, kasi pati yung mga taga-aero med pumunta dun. haaaay! Buti na lang naging ok na sya... Wish ko lang itigil na nya ang pagsakay sa rides kung di nya kaya! Pagbalik namin sa station sa labas ng starcity, ayun, petiks na lang kami, tapos na kasi yung event, pero need pa namin mag-stay for 1 hour, so kwentuhan na lang kami dun kasama yung mga taga-Aero Med, habang nakain ng popcorn! Natuwa naman ako kay "Aero Med Guy", bait nya kasi, tsaka sarap din kakwentuhan, tsaka maloko din! hehe.. Natuwa ako sa kanya nung tumawa sya dahil sa sinabi ko... May food kasi kami dun na dadalhin sa Red Cross, eh may mga pulubi doon, so worried kami na baka kami habulin pag labas namin sa barricade, so nung nagtanong yung kasama ko na ano ang gagawin namin just in case na habulin kami, ang nasabi ko na lang, "eh di takbo". Lakas talaga ng tawa ni "aero med guy" nung sinabi ko yun! Tapos nun, ayun balik na kami sa Red Cross, at buti na lang hindi kami hinabol...

4.24.2008

April 24, 2008

Super ganda ng araw na 'to para sa akin!!! Akalain mo yun, sa gitna ng pagiging busy ng schedule ko dahil sa orientation sa hospital nabigyan pa rin ako ng chance para mag-renew ng driver's license ko at naka-bisita din ako sa red cross. Biglaan naman kasi ang pagtawag sa akin ng UPHDMC, akala ko kasi talaga nung una rejected na ako sa kanila, hindi pa pala, kaya tuloy problema ko kung paano ako mag-re-renew ng mga dapat i-renew at hindi pa din ako nakakapag-paalam sa red cross na mag-wo-work na ako, kaya naman nung sinabi na wala kami pasok sa araw na ito, abot tenga nga naman ang ngiti ko! haha!

After ko ma-renew yung license ko, dumiretso na ako sa PNRC-NHQ, well, wala naman ako ginawa dun, bumisita lang ako para mag-paalam na din. Masaya ako nung dumating ako dun, kasi I never expected na makikita ko si Jao dun, akala ko kasi may turo sya, nakabalik na pala sya. Na-miss ko din naman sya, kasi naman 2 months kami hindi nagkita. Sa sobrang miss namin ang isa't isa, ayun, kahit bumabati pa ako ng good afternoon sa mga staff, ang higpit na ng yakap sa akin, hindi na nga ata yakap yun eh, sakal na eh! hehe.. Nung umakyat naman ako sa social hall para sabihin yung message dun sa mga instructors, andun din sya nakikipag-kwentuhan sa isa sa mga instructors, pero nung nakita ako aba, lumabas ng social hall at ayun kinulit naman ako, hindi pa nakuntento, kinuha ang kamay ko at hinawakan habang naglalakad kami! Kulit talaga! Kahit may staff sa harap, sige go pa rin! Nahihiya na nga ako eh... hehe... Nakakatuwa din yung kwentuhan ng mga volunteer at staff ng safety services, as in we laugh to the max talaga sa mga laughtrip nilang experiences, with re-enactment talaga yun!!! Haaaaaaay! Kelan ko kaya uli ma-e-experience ang mga ganun sa red cross??? Ma-mi-miss ko ng sobra ang mga duty at bonding moments namin sa red cross!!!

3.27.2008

Experiencing Puerto Galera...

The adventures begins here...

Day 1: March 24, 2008

Around 4 o'clock in the morning, nagising ako sa alarm ng cellphone ko, tiningnan ko ang oras at na-realize ko na, it's time na pala, and this is the day that I've been waiting for!!! Ngayon kasi ang araw na makakapag-bakasyon uli ako sa Puerto Galera, after more than 10 years since my last visit there. Ok, so gising na nga ako, pero ang kapatid at pinsan ko ay tulog pa din sa mga oras na ito, kaya ako naman, humiga muna ng ilang minuto at inantay ko na magising na din sila. Nung magising na sila, bumangon na ako at inihanda ang mga gamit at ang damit na susuotin ko, at naligo na. Pagkatapos namin makaligo at makapag-bihis, kumain na kami ng almusal at umalis na ng bahay papunta sa meeting place namin nung friend ng sister ko. Nung na-kumpleto na kami, inihatid kami sa terminal ng bus papuntang Batangas Pier. Maganda naman ang byahe namin papunta sa Batangas, mabilis at walang traffic. Pagdating namin sa Batangas Port, sinalubong kami ng mga porter at tinanong kung kami ba ay papuntang Puerto Galera, binuhat nila ang mga dala naming bag at dinala kami sa ticket outlet. Two-way ticket ang binili namin dahil may discount ito, at next naman na binayaran ay ang environmental fee na worth 50 pesos at terminal fee na worth 10 pesos kung ikaw ay hindi student. Pagpasok namin sa terminal, ilang minuto lang ang inantay namin para sa boarding, enough para makapag-picture taking.. hehe..

Around 9 o'clock, tinawag na ang lahat ng passengers for boarding papuntang Galera, at kami yun! Habang nag-aantay umalis, nag-picture taking uli kami, at kumain ng snack. Around 9:30 on my watch, umalis na ang bangka namin, maganda ang byahe namin, maluwag ang bangka at hindi masyado maalon, pero sa kadahilanan na hindi ako nakatulog sa bus, sa bangka ako inabutan ng antok at ayun kahit hirap sa pwesto naka-tulog din ako! Pero nagigising din dahil sa mga pasaway na Koreano na kasabay namin, ang ingay nila to the highest level ha!!! After 1 hour and 30 minutes, narating namin ang bayan ng Galera, nag-stop over muna kami dun, para ibaba ang mga pasahero at pagkatpos dun ay inihatid na kami sa White Beach. Pagdating namin sa White Beach, sinalubong kami ng kausap namin, nagbibiruan pa nga kami, dahil wrong spelling ang name ng kapatid ko sa white board nung kausap namin. Before kami dumiretso sa room namin, inayos muna namin ang schedule ng bangka namin pauwi pero hindi rin namin nagawa, dahil undecided pa kami sa time na gusto namin.

Past 11 o'clock na kami nakarating sa room namin, at ang first na ginawa namin dun ay mag-lunch. Masarap naman ang naging lunch namin dun, pero aminado ako na medyo mahal ang food sa Galera. After namin mag-lunch, nag-change outfit muna kami, and nag-stroll at picture taking sa beach kahit super tindi ng sikat ng araw. Pero sa sobrang ganda at inviting naman talaga ang water, naisipan na namin maligo, kaya balik uli kami sa room para kuhain ang mga gamit namin at makaligo na! Medyo malamig yung tubig pero masarap naman talaga, and more sun bathing talaga kami dun! Nangitim nga ako agad! haha! After namin maligo sa beach, bumalik muna kami sa room para magbihis, tapos nung hapon nag-stroll ako kasama ang pinsan at kapatid ko. Since palubog na nung time na yun ang araw, more capture talaga ng sunset ang drama ko! Na-miss ko din tuloy bigla si Jao, kasi naman hindi sumama ang lokong yun! After namin mag-picture taking, naisipan namin na mag-palagay ng tattoo. Ang sa akin ay butterfly sa ankle pero nag-doubt pa nga ako sa kalalabasan pero nung natapos na, maganda naman pala. Ang cute nga daw!

After namin magpa-tattoo bumalik uli kami sa room to have our dinner, syempre more tipid talaga kami, yung mga baon namin ang kinain namin, at pagkatapos mag-dinner lumabas kami para uminom naman, may dala kasi yung boyfriend nung friend ng kapatid ko na margarita na nasa bottle. Sa may beach front kami nag-inuman that time, dala-dala namin yung pang-sapin namin sa buhangin. Syempre more pictures kami at kalokohan dun! Ako naman habang umiinom, ka-text si Jao, kinukwento ko sa kanya lahat ng ginagawa namin that time, kaya naman lalo ko sya na-miss that time! Mas masaya siguro ako kung kasama namin sya. After namin mag-inuman sa tabing dagat, bumalik na uli kami sa room, pero kaming tatlo ng pinsan at kapatid ko, bumaba uli para uminom pa din sa bar at this time beer naman ang ininom at dun naglabas ng mga revelations sa life! Haha! Ang drama namin! After nun, bumalik na din kami sa room at natulog na...

Day 2: March 25, 2008

Gumising ako sa araw na ito na may tama pa din... First time nangyari sa akin yun! Mabuti na lang din, medyo nawala nung uminom na ako ng coffee at nakaligo. After ko makaligo at makapag-bihis lumabas na uli kami at syempre dun uli kami sa favorite place namin sa beach front at more picture takings talaga!!! Around lunch time, naisipan na muna namin magpalamig, so pumunta kami sa VM bar and restaurant at dun nag-fruit shake kami, at pagkatapos nun, bumalik na kami sa room para kumain na ng lunch. After lunch time, nag-stay lang kami sa room at nonood ng tv, pero naka-tulog din ako. Nung nagising na ako around 5 o'clock na ng hapon. Naisipan namin lumabas uli at pumunta sa favorite place namin sa beach front pero nung time na yun madami ang tao sa fave place namin kaya naghanap kami ng ibang place. Naupo lang kami nung time na yun sa buhangin at nagbasa ako ng book habang inaantay ang sunset at syempre picture taking uli... Nung madilim na at dinner time na din, naisipan namin na dun na mag-dinner sa may tabing dagat, so bumili na lang kami ng ihaw-ihaw at rice at dun kami kumain. It's my first time na gawin yun kaya naman sobrang nag-enjoy ako kahit tipid mode kami... Na-miss ko din tuloy si Jao, kasi naman ang sweet nung dalawa naming kasama noh! After nung dinner namin, bumalik kami sa room para magpahinga ng konti at manood ng tv. Nung medyo bored na kaming tatlo nung kapatid at pinsan ko, lumabas na uli kami at pumunta na sa fave place namin, at this time buti na lang talaga wala na yung mga tao. Naglatag uli kami ng sapin at humiga habang tinitingnan ang mga stars.

Masaya ang usapan naming tatlo nung time na yun, talagang anything under the sun or moon, nung bigla na lang may lumapit sa amin na tatlong Koreano. Sila pala yung palagi namin nakikita dun at take note ang akala lang namin eh, gusto nila magpa-picture na kami ang kukuha, pero kasama pala kami sa picture! Oha! Ang ganda naman ng beauty namin, sa dami naman kasi ng girls dun eh kami talaga yung nilapitan... Nung naka-sunod na sa amin yung dalawa naming kasama, naisipan na namin bumili ng drinks, so kaming tatlo nauna na bumili, pero habang bumibili kami, shocks! Andun na naman yung tatlong Koreano at lumapit pa uli sa amin, at this time nakipag-kilala na sila at tinanong kami kung ok lang na mag-join sila sa inuman session namin. So kami naman, ok fine as long as dun kami iinom lahat sa pwesto namin sa tabing dagat. Walang problem sa kanila, bimili pa nga kami ng pulutan pero badtrip nung inaantay namin maluto yung binili namin, may epal lang naman, at bastusan ang gusto ata nun! Kung pwede nga lang ipukpok ko sa kanya yung hawak ko na beer eh! Lokong yun! Mas matino pa nga sa kanya yung mga Koreano, at least sila walang malisya at magalang. Bakit ba kung sino pa yung Pinoy eh sya pa yung bastos! Malunod sana yun!

Pagbalik namin sa tabing dagat, start na kami ng inuman session at kwentuhan, grab, thank God talaga at kasama namin yung pinsan ko, sanay kasi sya makipag-usap sa Koreans, nagtuturo kasi sya ng english language, kung hindi naku nosebleed ako!!! Mababait sila at medyo na-shock lang kami nung sinabi nila na mga students pa lang sila! Ang tangkad kasi nila at hindi talaga halata na student sila, too bad at wala kami picture kasama sila. Well, sa camera nila meron but sa cam namin wala... Sayang... Matagal din ang usapan at kwentuhan namin dun, kung hindi nga ata kami nagpaalam sa kanila malamang sikatan na kami ng araw dun, at medyo napapadami na rin kasi ang inum nila at bangag na din ako nun. Isang dahilan din pala ay may mga epal na din sa paligid, akala mo naman, ang ganda ng kanta nila pero the hell! Sarap ibato yung mga bote ng beer sa kanila! Grrrr!

Day 3: March 26, 2008

OK, this is our last day, pero hindi pa natapos ang adventures namin, nung morning after mag-almusal naisipan namin maligo uli sa beach, kahit medyo tirik na ang sikat ng araw that time, kasi naman 10 o'clock na yun, go pa din kami sa paliligo, kahit sunburn na ako nung first day pa lang ok lang, medyo hirap nga lang maligo kasi ang lakas na nung alon, natatangay na kami sa malalim, pero enjoy pa din! hehe... Nung umahon kami nag-bilad na lang kami uli sa araw, at nakita pa nga namin yung tatlong Korean na naka-inuman namin na pauwi na. Well, we just said goodbye to each other... After nun, nung medyo gutom na kami, bumalik na kami uli sa room at nagbanlaw na, para makapag-lunch na din. The heck naman sa kinainan namin ng lunch, super bagal nila! Yung drinks na inorder ko, ubos na bago dumating ang food namin! After lunch, may 1 hour pa kami before boarding sa boat kaya namili muna kami ng pasalubong, gusto ko nga sana mamili ng madaming pasalubong kaya lang parang not worth buying yung iba. Actually gusto ko nga bilihan ng pasalubong na shirt si Jao kaya lang nag-aalangan ako sa size. Hehe... Before 3:30pm nag-check out na kami at pumunta na sa boat, but before kami umakyat nag-picture taking muna kami for the last time.

Sarap ulitin ang bakasyong ito! Hopefully next time, kasama ko na si Jao... Hehe...

3.22.2008

I guess this is not my day...

Haaaaaaay! I'm not in the mood talaga this day... Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa araw na ito. Sya na lang kasi palagi naiisip ko, wala man lang message from him, nag-aalala na nga ako sa kanya, tuloy naisip ko din na sana may iba na lang ako pinagkaka-abalahan kung hindi ko rin naman sya makaka-usap o makikita man lang. Haaaaaay! Pag-ibig nga naman...

3.17.2008

Bum to the highest level!!!

Mga gawain ng isang bum:

1. Mag-internet hanggang sa magsawa.
2. Soundtrip hanggang makatulog.
3. Movie marathon hanggang sa ma-bwisit sa panget na kopya ng dvd.
4. Panggigilan ang cute na cute na pinsan sa picture (sa pic lang dahil nasa ibang bansa nakatira).
5. Kumain nang kumain hanggang sa tumaba at pagkatapos ay magbabalak mag-exercise.
6. Magtext nang magtext, unlimited naman eh, pero good luck na lang pag natapos na unli!
7. Maligo ng matagal! Sulitin ang paliligo, dahil pag may trabaho na hindi ko na makukuha pang maligo ng atleast 20mins. Pabilisan na to!
8. Magdilig kapag may pressure na... Ayaw ko pag wala pa pressure. Choosy ako eh...
9. Magbalak mag-duty sa ERU at pagkatapos ay tatamarin na pumasok.
10.Mag-daydream na kunwari ay kasama ko si pag-ibig ko! (Palibhasa'y hopeless romantic!!!)

3.16.2008

Masaya lang..

Whoa! Ang saya-saya ng araw ko ngayon! Kahit ka-text ko lang si pag-ibig ko, masaya na ako! Matatagalan kasi bago kami mag-kita in person eh, may turo sya until after holy week pa. This week sa Subic daw, gusto ko nga sana sumama sa kanya eh, payag naman sya, pero hindi pwede, kasi for sure hindi ako papayagan ng parents ko, lalo na kung malalaman nila na sya lang ang kasama ko! I'm doomed talaga pag-sumama ako sa kanya! At another reason pa, after holy week eh, pupunta naman ako ng Puerto Galera kasama ang sister ko at friends nya, so masyadong magastos for me.. hehe... Gusto ko nga din sana kasama sya sa Puerto, kaya lang yun nga, may turo sya sa La Union naman, grabe, ang layo ng mga turo nya, palibhasa swimming ang ituturo kaya ayun, sa mga beaches sila, sayang talaga, eh di sana moment na namin yun! Ahaha! Tarush! Pero ano naman masama dun, eh "girlfriend" daw nya ako eh, eh di panindigan na!!! Wehehe... Hopefully next time magkaroon na kami ng chance na makapag-bonding together! He's a nice guy naman eh... Ako lang naman etong snob sa kanya eh ever since nagkakilala kami sa RC eh...

3.11.2008

Miss him so much!!!

Huhuhu... It's almost a week na, ang tagal na namin hindi nagkikita ni crush, nasa Bulacan kasi sya, may turo... huhuhu... Super miss ko na sya, miss ko na yung mga lambing nya sa akin, yung mga hugs nya!!! Sana magkita na kami!!!

3.08.2008

Emergency Responder... Finally it's official!!!

Hahaaaaay! Can't believe na nasa Emergency Response Unit (ERU) ng Red Cross na ako!!! First time ko mag-duty at 24 hours agad!!! Career!!! Hehe... I started my duty yesterday, March 7, '08 at 8am, and so far yung first 12 hours ko, hindi naman toxic, wala naman ako ginawa kundi mag-monitor lang sa radio just in case may emergency. Akala ko nga magkakaroon kami ng responde eh, kasi may na-monitor ako na sunog, pero naging fire under control na sya eh, kaya di na kami tumakbo sa area. Nakakaloka din ang first day ko, kasi nung kinahapunan na, nagpa-deploy sila ng mga ERU members na on duty sa Laguna, dahil sa outbreak ng typhoid fever at sa limang naka-duty that time 2 lang kami ang natira sa Red Cross NHQ dahil yung 3 ipinadala na dun, akala ko nga isasama din ako, kasi kelangan nila ng nurses dun ngayon, pero more more excuses ako! haha! Ayoko nga, possible 3 days daw magtatagal ang ipapadala dun, eh ang dala ko na gamit is good for overnight lang! kamusta naman yun!!! Nung natapos ang morning shift ko, medyo nakahinga ako ng maluwag kabado kasi ako, hindi ko alam mangyayari sa amin nung kasama ko kung nagkataon na may responde kami, hehe, pero may night shift pa, pero hindi naging mabigat ang night shift ko, 3 teams kasi kami nun. Yung first 4 hours namin, ang team 1 ang monitoring at kasama ako dun. Ako din ang na-assign sa medical just in case magkaroon ng responde, pero natapos ang oras namin na wala naman naging emergency, kaya naman after ng time namin, tulog talaga ako!!! Pagdating ng 5:30am nagpa-alarm na yung facilitator namin. It's time for our exercise na kasi, and that is still a part ng ERU every saturday. Supposed to be 6am dapat wala na kami sa NHQ at nasa Luneta na dapat pero past 6am na kami naka-alis, kaya sumakay na kaming lahat sa Ambulance papunta sa Luneta. Para kaming sardinas sa lood, 16 volunteers lang naman ang sumama! May nagsabi pa na para kaming nasa sauna.. Hahaha!!! Ang init kasi sa dami namin! Pagdating sa Luneta, syempre may konting briefing lang about sa mga upcoming events na sasalihan ng Red Cross, ang after nun, nag-start na kami ng exercise. It's a girl vs boys! Sakto na 8 girls at 8 boys kami! Nakakatuwa! hehe... After ng exercise, hindi pa yun tapos, as usual kasama sa exercise namin every saturday ang pagbubuhat ng stretcher na may load, at puro kami babae sa team namin! Girl power talaga! After ng stretcher, relay naman ang ginawa namin, this time pantay na, magkahalo na ang babae sa lalake. Grabe na relay yan! Ang layo ng tinakbo namin, pagdating pa sa dulo, iikot pa kami ng ka-team ko na magka-hawak ang kamay, ay grabe! Feeling ko tatalsik ako sa bilis ng ikot namin! Kaloka talaga!!! Pero sobrang nag-enjoy talaga ako!!!

2.24.2008

Toxic Ambulance Service

Eto na siguro ang isa sa mga toxic na ambulance service na nasamahan ko! 2:30am pa lang gising na ako at yung isang kasama ko, naligo na kami agad nun kasi 4am ang call time namin. Saktong 4am, umalis na kami sa NHQ, papunta sa Luneta kasi dun ang venue. Pagdating namin dun, wala pa yung mga organizers ng marathon, so tambay muna kami sa isang tabi, at sa gutom ko, nan-libre pa ako ng taho. Around 5am, pinapunta na kami sa station. Kasama namin sa station ang QC Chapter.

So far that time nakaka-tawa pa kami at todo pa sa biruan. Pero nung madami na ang tao at malapit na mag-start nagkaroon na kami ng patient pero just a small wound lang yun at hindi pa toxic, nung nag-start na ang marathon, at may mga naka-tapos na, ayan, simula na ang pagka-toxic namin! Habang naka-upo kami sa station nakita ko ang isang bata, kasama sya ng isang event volunteer, umiiyak sya, at nung natingnan na namin sya sa station, may suspected fracture sya sa right arm. So ang decision namin is to transport him sa hospital, pero missing pa ang kasama nya, pero nung nakita na namin ang kasama nya which is yung coach nya at tito nya dinala na namin sya sa Phil. Orthopedic Center (POC).

Pagbalik ko at nung mga kasama ko galing sa POC ayun, more patients pa rin sa station, mga nahilo, napagod, nagka-muscle cramps at kung anu-ano pang complain ang na-encounter namin. But the most toxic one siguro is yung isang runner na dinala sa station namin na disoriented. Na-toxic ako dun ha! Pinakuha kasi sa akin ang info about him sa mga event organizer pero kung saan-saan lang naman ako pinapunta, nagtuturuan sila! Haaaay! Nung nakuha na namin yung info sa kanya at nakita na namin ang kasama nya dinala na sya sa PGH nung mga kasama ko, kasama ang isang patient pa, so jampack sila that time sa ambulance! Haha! Init siguro ng ulo ng ambulance driver namin nun! Haha! Nung halos naka-dating na sa finish line ang mga runners, medyo naka-hinga na kami ng maluwag, may pailan-ilan pa na patient pero di na toxic. Nung around 11:00am at wala na kaming patient at nag-aantay na lang kami sa ambulance, lumabas na naman ang kakulitan ko. Asaran at kulitan kami nung ibang kasama ko sa station at picture taking pa kami. Super relieve talaga kami nung dumating na yung ambulance namin, dahil sa wakas makaka-balik na kami sa NHQ at makakatulog na din! Hehe... Sa NHQ ang haba ng tulog ko! Bagsak talaga!

2.22.2008

Haaaay!!! Super miss ko na sya!!! How I wish magkita na kami! Parang ang tagal kasi ng 2 weeks bago uli kami magkita...

2.21.2008

Blessing from God

I'm so happy today!!! Naka-pasa na kasi sa wakas ang mga friends ko na nag-take ng Nursing board exam last December 2007. Colleagues na kami!!!

Still in-love to him?

Haaaaaaay!!!!!! Pag-ibig nga naman!!! J.M. akala ko hindi na kita maaalala, akala ko kaibigan na lang ang tingin ko sa 'yo ngayon pero bakit bumabalik ka na naman sa isipan ko? Sign pa rin ba ito na may feelings pa din ako sa 'yo??? Alam ko na dapat kalimutan na kita, dahil alam ko na kaibigan lang naman talaga ang turing mo sa akin, at kahit kailan hinding-hindi mo ako ituturing na mas higit pa sa isang kaibigan. Aaaaaaaaaaargggggggggggggggggggghhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!! Ayoko na umiyak na naman dahil sa iyo!!!

2.11.2008

Laugh trip moments sa birthday ni sis...

L-R: My sister, my friends namely Jimer, Ethylene, MJ (seated on the floor), and of course Me!!!
Our dog also joined us! hehe...


February 10, 2008, we celebrated my sister's 20th birthday. Close friends lang ng sister ko ang pumunta pero kasama din sa invited ang close friends ko din, na halos ka-close na din ng sister ko, kasi naman since high school pa naman kilala na mga friends ko dito sa house namin. Super enjoy kaming lahat, kasi nagkaroon uli ng chance ang mga magba-barkada na mag-bonding. Kami ng friends ko kahit konti lang kami sa barkada super close talaga ang isa't isa, kaya naman everytime na magkakasama puro memorable ang moments, katulad na lang nung ginawa namin kahapon, naisipan kasi namin maglakad-lakad sa village namin, madilim na rin yun, kaya naman takutan ever ang drama naming apat! At si MJ, take note, sya lang ang lalaki sa amin absent kasi yung isang tropa, si Mel, ayun super takot hindi man sa multo pero sa ahas! Haha! Puro damuhan pa kasi yung paligid namin, kaya ang lakas ng imagination nya! Ang layo talaga ng narating namin, para maka-iwas lang sa damo, may shortcut naman kasi pero yun nga, damuhan ang kelangan daanan! Haha! Sakit ng tiyan namin sa tawa nun! Nung nakabalik na kami, pahinga konti tapos picture taking, pero hindi pa natapos ang tawanan, si Ethylene naman ang nagpatawa! Pinaglaruan lang naman ang payong ni Jimer na automatic, pag-open ni Ethylene, nagulat si Lucas, yung dog namin, as in kitang-kita namin ang kung paano sya nagulat, at nadulas pa! Di ko talaga makakalimutan yun!!! After ng tawanan namin, yung ibang bisita namin unti-unti na umaalis, so hinatid ko sa sakayan, pagkatapos ko maihatid joyride kami papunta sa house ni Mel, at dun kami nanggulo saglit. After nun nag-uwian na din mga friends ko. Haaaay! Memorable talaga!

2.09.2008

Physical Training PNRC style...

Waaaaaaaah! Naiiyak ako sa sakit ng katawan ko ngayon!!! Sumama lang naman kasi ako sa physical training ng ERU members ng PNRC kaninang umaga. 5:30am pa lang gising na kaming lahat, pagdating ng 6am naka-assemble na kami sa parking lot, nung ok na ang lahat, nag-start na kami mag-jogging. Sobrang nakakahingal ang jogging namin, mag-mula Anda circle hanggang Quirino Grand Stand lang naman. Pagdating dun, walang pahinga talaga, nag-line up kami agad tapos nag-start ng exercise, habang nag-e-exercise kami feeling ko mag-co-collapse na ako sa sobrang pagod at gutom, gusto ko na nga talaga pumunta sa ambulance namin, at mag-pahinga dun, pero syempre ayoko naman maging spoiler lalo na't first time ko sumama sa exercise na yun. Buti na lang naka-hingi ako ng tubig kaya medyo naging ok yung feeling ko. Nakakatuwa din yung experience namin ngayon, medyo naging comedy kasi yung exercise naming yun dahil sa partner ko, nagkataon kasi na mataba yung naging partner ko kaya naman dun sa exercises na kelangan ng partner tawa kami ng tawa, hindi ko kasi sya kaya, niloloko tuloy ako nung facilitator namin, sabi nga sa akin sa next exercise daw magdala na ako ng tubular webbing (isang klase ng rope na ginagamit sa rope rescue) para hahatakin ko na lang daw sya. After nung exercises namin, sumunod agad yung practice sa pagbubuhat ng stretcher, at ang first patient namin yung mataba naming member. Supposed to be, 8-man carry ang gagawin namin, pero ang nangyari sa group namin, 6 lang ang nagawa, as in paulit-ulit kami sa pagbubuhat pero paiba-iba naman yun patient. Nung ako yung naging patient, grabe nahilo ako sa stretcher, sobrang maalog sya. After nun, sobrang na-relieve talaga ako, naka-survive kasi ako sa physical training namin ngayon! Natutuwa rin ako kasi, atleast may napatunayan na naman ako ngayon at may bagong experience uli! Hopefully next saturday makasama uli ako...

2.06.2008

Pa-epal kasi!!!

Haaaay! I hate my duty today in RC!!! May isang epal kasi sa office! Hindi naman kasi kinaka-usap ume-epal pa! Ang ayos ng pagtatanong ko sa isang staff about sa ambulance service tomorrow, bigla ba naman mambabara! Eh ano naman ngayon kung magtanong ako about sa details ng ambu service, kung bawal man, i'm sorry hindi ko kasi alam, pero hindi naman kasi nagalit sa akin yung staff nung nagtanong ako kaya ok lang sa akin, at isa pa, as if naman tatanggihan ko yung ambu service lalo na wala naman ako importanteng gagawin tom, hindi naman ako katulad nila na namimili ng ambulance service! Pasalamat pa nga sya at yung mga kasama nya hindi ko na sila sinumbong na nagrereklamo sila na masyado maaga yung time ng ambu service. Haaaay naku! Parang hindi nag-aral ng values! Grrrrr!!! Buti na lang napigilan ko sarili ko at hindi ko sya sinagot sa harap nung staff!

1.30.2008

All I Need

ALL I NEED By Shamrock

Kissing you is not what I had planned
And now I'm not so sure just where I stand
I wasn't looking for true love
But now you're looking at me
You're the only one I can think of
You're the only one I see

CHORUS:
All I need
Is just a little more time
To be sure of what I feel
Is it all in my mind
Cause it seems so hard to believe
That you're all I need

Yes it's true we've all been hurt before
But it doesn't seem to matter anymore
It may be a chance we're taking
But it always comes to this
If this isn't love we're makin'
Then I don't know what it is

All I need
Is just a little more time
To be sure of what I feel
Is it all in my mind
Cause it seems so hard to believe

CHORUS

No stars are out tonight
But we're shining our own light
And it's never felt so right
Cause girl the way I'm feeling
It's easy to believe
That you're all I need

Ahhhh
You're all I need
Oooooh ahhhhs here

I really like this song!!! Nakaka-kilig!!!